ANG KWENTONG AUSTRALYANO

Bakit karne ng baka at tupa na mula Australia?

Sa higit 200 taon, pinapasa ng mga magsasaka sa Australia ang kanilang kaalaman sa mga sumusunod na henerasyon upang lumilikha ng isang industriya ng karne at kawan na maipagmamalaki nila, kasama ang kanilang mayamang tradisyon. Ang aming supply chain na nangunguna sa mundo, kasama na ang pagpapalaki ng mga hayop sa isang malinis na kapaligiran, ay nagpapatibay sa reputasyon ng Australia bilang tagagawa ng ilan sa may pinakamataas na kalidad ng karne ng baka at tupa.

Lumaki kaming kumakain ng pinkamahusay na kalidad ng red meat sa mundo. Ngayon, gusto naming ibahagi ito sa inyo.

TUNGKOL SA AUSSIE BEEF & LAMB

TUNGKOL SA AUSSIE BEEF & LAMB

Ang Australia ay may mahaba at mayamang kasaysayan ng pag-pagpapakilala ng kanilang mga karne at produkto nito sa buong mundo. Mula noong 1980's, kinukwento na ng mga brand o pangalan gaya ng ‘Aussie Beef’ sa Japan, ‘Hoju Chungjung Woo’ sa Korea at ‘Halal Australian meat’ sa Middle East ang aming kwento.

Habang karamihan sa mga brand na ito ay naging kilala at pinagkakatiwalaan na, lumaganap ang kwento namin sa pamamagitan ng iba't-ibang brand na may iba't-ibang pagkakakilanlan. Nang maging mas global na ang pananaw ng mga customer sa Australia, nakita ng red meat industry sa Australia ang pagkakataon na ilagay ito sa iisang brand sa lahat ng export market. Dahil doon, binuo at pinakilala ang tatak Aussie Beef & Lamb noong 2014.

Nabuo ang tatak na may tatlong natatanging haligi: ang ideal na tahanan, kapayaaan ng isipan, at purong kasiyahan. Matuto pa tungkol dito sa baba.

AUSTRALIA - ANG IDEAL NA TAHANAN

AUSTRALIA - ANG IDEAL NA TAHANAN

Ang Australian red meat ay produkto ng kapaligiran nito. Ang aming natatanging klima, malawak na lupain, at natural na kapaligiran ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga hayop na mabuhay sa natural nilang tirahan at nakakatulong na magbigay ng parehong dami ng supply buong taon. Dahil isang malaking isla ang Australia, natural na protektado ang mga hayop mula sa sakit at malaya silang lumibot sa mga pastulan. Ang pamumuhay nilang mababa ang stress ay may mabuting epekto sa kalidad ng aming red meat.

At salamat sa border protection at sistemang pang-biosecurity ng aming gobyerno, napapanatili namin buong taon ang integridad ng Australian red meat industry. Dahil dito, ang Australian red meat industry ang isa sa may pinakamataas na estadong pangkalusugan ng mga hayop sa buong mundo. Sa madaling salita, wala nang mas gaganda pang lugar kaysa sa Australia pagdating sa paggawa ng dekalidad na red meat.

KAPAYAPAAN NG ISIPAN

KAPAYAPAAN NG ISIPAN

Nag-e-export sa mahigit 100 bansa sa buong mundo ang Australia, at ang reputasyon nito na tagagawa ng pinagkakatiwalaang delakilad na red meat products ang pundasyon ng ilan sa may pinakamataas na kalidad ng red meat. Malaking bahagi nito ay dahil sa aming komprehensibong sistema ng kaligtasan ng pagkain, pagbantay ng kalidad, at traceability mula sa sakahan hanggang sa mga mamimili.

Para mapanatili ang reputasyong ito, ang Meat and Livestock Australia (MLA) at ang mas malawak na red meat industry ay nagpatupad ng ilang traceability at quality assurance programs. Ang pagpapatupad ng mga sistemang ito ay tumutulong sa kakayahan ng red meat industry na magkaroon ng mas magandang access sa market, pati na rin sa mas mabuting resulta pagdating sa lipunan, animal welfare, kalikasan, at ekonomiya. Hindi lang nakakatulong ang mga sistemang ito na makagawa ng high quality red meat ang Australia, nagbibigay din sila ng kapayapaan ng isipan dahil mapagkakatiwalaan at ma-e-enjoy ang Australian red meat products saan man mayroon nito.

PURONG KASIYAHAN

PURONG KASIYAHAN

Mula sa magsasaka papuntang processor hanggang supplier, importante sa mga Australian ang quality, safety at integrity pagdating sa paggawa ng red meat. Sa dami at iba't-ibang klase ng quality cuts na ma-e-enjoy ng mga mamimili sa higit 100 bansa, ang aming grass- at grain-fed beef ay may iba't-ibang klase ng texture, taste profile, at eating quality characteristics na bagay sa maraming international cuisines.

TUNGKOL SA MLA

TUNGKOL SA MLA

Ang Meat and Livestock Australia (MLA) ay nag-i-invest sa research, development at marketing activities na nakakatulong sa pag-unlad ng industriya ng Australian red meat at livestock sa loob ng mahabang panahon.

Ang MLA ay isang non-profit organization kung saan ang malaking bahagi ng funding ay mula sa livestock transaction levies at matched Government research funding. Sa pamamagitan ng subsidiary companies nito, pinabibilis rin ng MLA ang pagbabago sa kabuuan ng red meat supply chain at hinahatid ang integrity at on-farm quality assurance programs ng kanilang industry.

Ang core values ng MLA ay customer centricity, pagkakaroon ng pananagutan sa pamamagitan ng transparency, at paghatid ng mga resultang nagdadala ng pagbabago.

 

KARAGDAGAN INPORMASYON