Website Mga Tuntunin ng Paggamit
MGA TUNTUNIN NG PAGGAMIT
- Pangkalahatan
1.1 Ang website na ito ay pag-aari at pinangangasiwaan ng Meat & Livestock Australia Limited (ABN 39 081 678 364) ("MLA", "kami" or "namin"). Ang address ng aming punong tanggapan sa Australia ay Level 1, 40 Mount Street, North Sydney, NSW Australia 2060.
1.2 Ang tinutukoy ng “ikaw/kayo”, “iyo/inyo”, “niyo/ninyo” dito ay ang gumagamit (user) ng website at ang mga magulang o taga-gabay ng gumagamit na bata o menor de edad (batay sa batas ng iyong kinaroroonan).
1.3 Ang paggamit ng website ay dapat iayon sa mga alituntunin at gabay na makikita sa “Mga Tuntunin ng Paggamit” ng website. Para magamit ang website, kailangang sumang-ayon at sundin ang lahat ng mga tuntunin na nakapaloob dito. Kung hindi ka sumasang-ayon, hindi mo maaaring gamitin ang website.
1.4 Maaaring rebisahin, amiyendahan, at baguhin ng MLA ang Mga Tuntunin ng Paggamit. Ilalathala ang mga pagbabagong ito sa website ng MLA, kung kaya’t iminumungkahing balik-balikan ito para sa mga pagbabago. Sa tuwing nais mong gamitin ang website, basahing muli ang mga alituntunin para masiguro na nauunawaan ito. Ang patuloy mong paggamit ng website ay patunay ng pagtanggap sa mga pagbabago sa mga alituntunin nito.
1.5 Ang Mga Tuntunin ng Paggamit ay tumutukoy sa paggamit ng website at sa mga sumusunod patakaran o batas depende sa iyong kinaroroonan:
- Tinalakay at binigyang linaw ng Privacy Policy o EU Privacy Notice ang nararapat na pamamaraan sa pagkalap, pangangalaga, paggamit, paghahayag at pagproseso ng mga personal na datos na nakolekta o kusa mong ibinigay. Sa paggamit ng website, pinahihintulutan mo ang pagkolekta ng mga datos at sinisiguro mo na lahat ng impormasyon at datos mula sa iyo ay tama at totoo.
- Inilatag sa Cookies Policy ang kaukulang impormasyon kaugnay ng paggamit ng cookies sa website.
2. Copyright
2.1 Lahat ng karapatan, tulad ng copyright o karapatang-sipi, mga nilalaman at mga disenyo sa website ay pag-aari ng at lisensyado sa MLA. Protektado ang mga ito ng mga pangdaigdigang batas sa copyright.
2.2 Maaaring gumawa ng pansamantalang kopya ng bahagi o ng buong website at mag-print ng kopya para sa personal na gamit lamang.
2.3 Ipinagbabawal ang pagkopya, pag-angkop, paggaya, pagtago, pagpapadala, pagprint, paglimbag, o pagbatayan ng mga bagong gawa ang alin mang bahagi ng nilalaman o mga disensyo sa website maliban na lamang kung may nakasulat na pahintulot mula sa MLA o kung ito ay pinapayagan sa ilalim ng mga naaangkop na mga batas kaugnay ng copyright.
3. Mga publikasyon, report at impormasyon tungkol sa MLA
3.1 Ang paggamit ng mga publikasyon, report at impormasyon sa website ay nasasaklawan ng Market Reports, Data and Information Terms of Use ng MLA.
4. Mga trade mark
4.1 Lahat ng mga trade mark, trade name, service mark at iba pang pangalan ng mga produkto, serbisyo at logo ay pag-aari ng at lisensyado sa MLA at protektado ito ng mga naaangkop na batas kaugnay ng trade mark at copyright.
5. Mga disclaimer
Pangkalahatan
5.1 Bagamat maingat ang pagkalap ng mga impormasyong nakapaloob sa website upang masigurong wasto at totoo ang mga ito, hindi responsibilidad ng MLA ang katiyakan ng mga impormasyon at opinyon sa loob ng website. Hindi ito naglalayong palitan ang payo ng mga propesyonal at mga espesyalista. Magkonsulta at magtanong sa mga espesyalista bago gumawa ng desisyon.
Economic forecasting (Pang-ekonomiyang pagtataya)
5.2 Ang mga impormasyong makikita sa website na ito ay nakalap mula sa iba’t ibang mga sanggunian. Sa aming pagkakaalam, naglalarawan ito ng kasalukuyan at tinatayang market demand. Subalit, hindi lahat ng impormasyon mula sa third-party ay na-verify o nasuri kung kaya’t ang mga pagtataya at projeksyon ay maaaring di-tiyak, walang kasiguraduhan at maaaring magbago. Hindi nagbibigay ng garantiya ang MLA kaugnay ng mga impormasyong nakasaad sa website.
Nutrition (Nutrisyon)
5.3 Maaaring may mga impormasyon sa website tungkol sa nutrisyon o kalusugan. Ang mga impormasyong ito ay hindi dapat ituring na medikal na payo. Sumangguni sa mga doktor at health professional bago gumawa ng anumang desisyong pangkalusugan.
6. Mga username at mga password
6.1 Kailangang magrehistro ng username at password para magamit ang ilang bahagi ng website. Ang username, password, paggamit ng account ay iyong reponsibilidad.
6.2 Ipagbigay-alam agad sa MLA ang di-awtorisadong paggamit ng iyong username at password.
6.3 Hindi responsibilidad ng MLA ang anumang mangyari dahil sa di-awtorisadong paggamit ng iyong username at password.
6.4 Karapatan namin na i-disable o kanselahin ang username o password kung sa palagay namin ay lumabag ka sa mga patakarang nakasaad sa Mga Tuntunin ng Paggamit.
7. Discussion forum
7.1 Hindi tinitiyak o ini-endorso ng MLA ang mga opinyon o rekomendasyon na nakapaskil sa mga discussion forum ng website. Mariing inirerekomenda na maging kritikal at sumangguni sa mga propesyonal bago maniwala sa mga naka-post. Hindi responsibilidad ng MLA ang mga nakasaad sa discussion forum.
8. Nilalaman na iyong isinusumite sa amin
8.1 Ipinauubaya mo sa amin ang mga karapatan sa content na iyong pinost sa website. Hindi ito maaaring bawiin at hindi rin ito ekslusibo. Walang ring royalty sa paggamit nito. Maaari ring magamit ang content na isinumite para sa marketing at promotion ng aming mga produkto at serbisyo. Karapatan din namin na tanggalin, baguhin, i-edit, i-crop, i-highlight at/o muling ilimbag ang iyong content sa abot ng pinapayagan ng batas.
8.2 Ipinauubaya mo sa MLA ang iyong mga karapatan na nakasaad sa Copyright Act 1968 (Cth) pati na ang mga karapatan na nakasaad sa mga batas at mga panukalang batas sa iyong lugar kaugnay ng mga content na iyong pinost sa website o iyong isinumite sa MLA.
8.3 Ipinagbabawal ang paninira, libelo, pangungutya, pananakot, pag-harass, pang-aabuso, at panloloko sa iba pang mga gumagamit ng website. Siguraduhin na ang content na isimunite sa amin ay hindi lumalabag sa intellectual property at iba pang mga karapatan ng sino mang third-party. Ipinagbabawal din ang maling gamit ng kompidensyal na impormasyon nino man.
8.4 Tatanggalin nang walang abiso ang mga content na labag sa aming pamantayan o sa batas. Makikipagtulungan ang MLA sa mga awtoridad at korte na humihiling na ibunyag ang identidad ng nagpost ng mga hindi naaangkop na content.
9. Mga linked/third party website
9.1 Maaaring may link para sa mga third-party website sa aming website. Ang mga ito ay hindi pinangangasiwaan ng MLA at walang responsibilidad ang MLA sa mga nilalaman nito.
9.2 Ang mga link sa mga third-party website ay para lamang mapadali ang iyong paggamit. Hindi ito nangangahulugan na ini-endorso ng MLA ang mga produkto, serbisyo, at operator ng mga third-party website na ito.
9.3 Ipinagbabawal ang paggawa ng link para sa ibang website sa loob ng aming website nang walang nakasulat na pahintulot mula sa MLA.
10. Pagkalap ng mga impormasyon at privacy
10.1 Maaaring gumamit ang MLA ng mga “cookies” na gagamitin sa statistical at business purposes. Ito ay mga impormasyon tulad ng iyong server address, domain name, IP address, petsa at oras ng iyong pagbisita, mga pahinang tiningnan, mga dinownload na mga dokumento, mga dating website na pinuntahan at uri ng browser na ginamit. Ang ilang sa mga impormasyong ito ay maaaring gamitin para matukoy ang iyong pagkakakilanlan. Sumangguni sa aming Mga Patakaran sa Paggamit ng Cookies para sa ibang detalye.
10.2 Kailangan din sagutan ang electronic form para magamit ang website. May ilang tanong sa electronic form na may kinalaman sa mga personal na impormasyon. Kung kakailanganin, hihiling ng pahintulot ang MLA para magamit ang mga ito sa ilang mga gawain tulad ng pagpapadala ng mga marketing at promotional materials.
10.3 Susunod ang MLA sa Privacy Policy o sa EU Privacy Notice nito sa pagkolekta, pagtago, paggamit ng mga personal na impormasyon at datos.
11. Seguridad
11.1 Iingatan ng MLA ang iyong mga datos para hindi ito magamit nang mali, mawala, masira, magamit nang walang pahintulot, mabago at mahayag gamit ang mga teknikal at organisational measures. Subalit, walang garantiya ang MLA sa seguridad ng iyong mga datos. Hindi responsable ang MLA sa pagkawala, mali at di-awtorisadong paggamit, pagbago o paghahayag ng mga impormasyong iyong ibinigay sa MLA.
11.2 Ang paggamit ng website ay tanging responsibilidad ng gumagamit. Hindi secure ang internet at hindi ginagarantiyahan ng MLA na walang problema o virus sa website nito.
11.3 Hindi pananagutan ng MLA ang pagkasira ng iyong computer system kaugnay ng paggamit ng website at mga naka-link na website dito.
12. Pananagutan
12.1 Maaaring magbigay ng mga karapatan, garantiya, at solusyon ang Competition and Consumer Act 2010 (Cth) (o katumbas na regulasyon sa iyong bansa) kaugnay sa mga paggamit ng mga produkto at serbisyo ng MLA na hindi maaaring balewalain o baguhin. Kinikilala ng MLA ang mga karapatan na ito. Ang iba pang mga terms o garantiya ay isinasantabi.
12.2. Nakasalalay sa iyo ang responsibilidad sa paggamit ng website. Hangga’t sa maaabot ng batas nang hindi nililimita ang 12.1:
a) Ang website na ito ay ‘as is’ at hindi sinisiguro at walang garantiya ang MLA sa paggamit nito. Hindi rin ginagarantiyahan ng MLA ang katiyakan ng nilalaman ng content at seguridad ng website;
b) Walang binibigay na garantiya ang MLA sa lahat ng nilalaman ng website at sa mga website na naka-link dito:
i. na walang mga pagkakamali, virus, worms, Trojan horses, bugs, at iba pang mga katulad na mga bagay;
ii. na hindi makakasagabal o makakasira ng iyong computer system and paggamit nito; o
iii. na hindi lalabag sa intellectual property rights ng third-parties; at
c) Hindi pananagutan ng MLA ang anumang pagkasira, direkta man o hindi, kawalan, pagkalugi, at gastusin na maaaring magresulta sa paggamit ng website maliban na lamang kung ang pagkasira o pagkawala ng datos ay dahil sa kapabayaan ng MLA.
12.3 Hangga’t pinapayagan ng batas, ang pananagutan ng MLA sa consumer guarantee ay limitado lamang sa:
a) Pagresupply o pagbayad ng gastusin na may kinalaman sa pagresupply sa mga serbisyo ng MLA na hindi pampersonal o pang-domestik ang gamit; o
b) Pagpalit, pagkumpuni o pagbayad ng gastusin kaugnay ng produkto ng MLA na hindi pampersonal o pang-domestik ang gamit.
13. Batas
13.1 Ang server ng website ay nakahost sa Australia. Ang Mga Tuntunin ng Paggamit ay sumusunod sa mga batas ng State of New South Wales, Australia.
13.2 Ang Mga Tuntunin ng Paggamit ay nakasulat sa Ingles at sa opisyal na wika ng iyong bansa. Kapag magkaroon ng di-pagkakaintindihan, magkaibang interpretasyon o ibang salin, ang bersyon na nakasulat sa Ingles ang susundin.
14. Mga karapatan ng third party
14.1 Ang sinumang tao o entidad na hindi kasama sa ilalim nitong Mga Tuntunin ng Paggamit ay walang karapatan sa ilalim ng third-party rights legislation sa pagpapatupad ng mga alituntuning nakasaad sa Mga Tuntunin ng Paggamit, kahit na matukoy ang pangalan, kinasasapian, o deskripsyon ng tao o entidad.
Huling nirebisa 1/5/2019