Australian meat RETAIL

As the popularity of Australian beef and lamb continues to grow, we are poised to meet the demand with an extensive range of cuts and product lines, all raised and processed to some of the strictest standards on earth. Meat & Livestock Australia (MLA) actively partners with retailers to educate and raise awareness of Australian beef and lamb in today’s markets. From helping you connect with the right supplier partner, to best-practice in merchandising and butchery training, we're here to help.

OVERVIEW NG RETAIL PROGRAM

OVERVIEW NG RETAIL PROGRAM

Higit 100 taon nang nag-e-export ng karne ang Australia at kasalukuyang nagseserbisyo sa mga customer sa higit 120 bansa sa buong mundo. Ang focus ng dami ng Australian red meat industry ay sa exports lang, kung saan ibig sabihin nito ay ang aming mga sistema ay ginawa sa mga mataas na pamantayan pagdating sa kaligtasan, kalidad at traceability ng lahat ng mga mamimili sa mundo.

Dahil malakas ang impluwensya ng retail sector sa mga desisyon ng mga mamimili pagdating sa pagkain nila, layunin naming hikayatin at suportahan ang ebolusyon ng red meat retailing at merchandising para tulungang lumago ang mga lokal na retail business. Layunin ng aming mga programa na mas pagbutihin ang mga pamantayan sa mga bagay kagaya ng kaligtasan sa pagkain, presentasyon, kalidad at shelf life, customer service at pag-turo at dagdag- kaalaman ng staff.

Kontakin kami para malaman kung paano ka namin matutulungan.

GUSTO MO BANG MAGPATAKBO NG STORE PROMOTION?

GUSTO MO BANG MAGPATAKBO NG STORE PROMOTION?

Para pataasin ang dami ng mamimili ng Australian beef at lamb, pwedeng mabigay ang MLA ng suggestions sa program na ginawa para turuan ang aming retail partners at kasabay ng importer-suppliers. Kung gusto mong samantalahin ang mas dumaraming customer ng beef at lamb mula sa Australia, gusto ka naming makatrabaho.

KONTAKIN KAMI
SAAN MAKAKABILI

SAAN MAKAKABILI

Saan Makakabili ng Australian beef & lamb Pwede mo nang ma-order ang Australian beef at lamb! Maghanap ng retailer na malapit sa iyo.

MAGCLICK DITO

STATE-OF-THE-ART NA PACKAGING AT SHELF LIFE

STATE-OF-THE-ART NA PACKAGING AT SHELF LIFE

Nalaman ng Australian meat industry noon pa na ang packing at delivery ay dalawang importanteng bahagi ng beef supply chain lalo na sa international customers.

Gamit ng processing sector ang pinakabagong packaging techniques para masigurado na ang Australian beef ay naihahatid sa export markets na may kaparehong high quality condition nang lumabas ito sa processing house.

Vacuum packed ang Australian chilled beef primal cuts para mapanatili ang freshness at quality kaya sigurado ang mas mahabang shelf life. Pinananatili ang mahigpit na temperature control sa kabuuan ng delivery process, para mapigilan ang pagkakaroon ng bacteria at binibigyan ang Australian beef ng shelf life na hanggang 120 araw sa ilalim ng optimal storage conditions.

Ang mga sumusunod ay ang mga bagay na isinasaalang-alang ng Australian processors na tumutulong sa pagkontrol ng pagkakaroon ng microorganisims sa mga vacuum pack:

- Ang Kalagayan ng Pag-process sa Australia — Ang kalinisan ng baka bago katayin (dahil grassfed ito) at ang mas mabagal na bilis ng pagproseso sa pagkatay ay nagdudulot ng mas mababang bilang ng mikrobyo, kaya mas mababa ang posibilidad ng kontaminasyon sa ibabaw ng karne. Gaya ng nasabi kanina, ang lahat ng export-accredited processor ay may HACCP procedures at mataas na food safety at hygiene standards na maaaring suriin ng Australian government.

- Temperatura — ang pagdami ng mikrobyo sa 0°C hanggang 1°C ay kalahati lang ng pagdami sa 5°C. Ang pagpapanatili ng storage temperature nang hanggang -1°C nang hindi nagyeyelo ang karne ang pinakamabuting paraan ng pagpahaba ng shelf life. Tipikal na hinahatid ang Australian meat sa temperaturang mula -1.5°C hanggang -0.5°C.

- Ang Gas Atmosphere sa Vacuum Packaging — Ang batayan ng epektibong vacuum packaging para maiwasan ang pagkasira ng karne at mapahaba ang shelf life nito ay ang kapaligirang walang oxygen na pinipigil ang pagdami ng bacteria na dahilan ng pagkasira habang hinahayaang magpatuloy ang natural na proseso ng pag-tenderize at aging.

- Ang pH Level ng Karne — Ang karneng may mataas na pH level (mula pH6.0 pataas—ang tradisyonal na tinatawag na ‘dark cutter’) ay mas mabilis masira kaysa sa karneng mas mababa sa pH6, dahil may ilang bacteria na nabubuhay sa ganito kataas na pH level. Sa hindi pagsama ng karneng galing sa mga katawan kung saan ang pH level ay mas mataas sa 6, napipigilan ng mga processor ang mga problema sa pagkasira.