About AUSTRALIAN LAMB

Nae-enjoy ang Aussie Lamb sa higit 100 bansa sa buong mundo. Bakit? Dahil ang lamb na mula sa Australia ay may ‘all-natural advantage’ at available sa marami at iba't-ibang klase ng product line at cut. Ito'y pasture-raised, grassfed, at walang artificial additives pati na rin hormone growth promotants - isang purong produkto ng puro nitong kapaligiran.

Ang Australia ay isa sa pinakamalaking exporter ng karne ng tupa sa mundo. Ang Australian Lamb ay isang all-natural product, at ang aming mga tupa ay natural na pinalaki sa mga masasaganang pastulan. Ang Aussie Lamb ay mula sa pinakamagagandang sangkap sa mundo: malinis na hangin, malinis na tubig, at masagana't berdeng damuhan.

 

PAGLUTO NG AUSTRALIAN LAMB

PAGLUTO NG AUSTRALIAN LAMB

Ang mga ibat-ibang produkto at hiwa mula sa Aussie Lamb at bagay sa samu't saring putahe at pamamaraan ng pagluluto.

Halimbawa, ang chop at t-bone ay bagay na bagay sa ihawan, habang ang mga paa ay bagay sa matagal na pagkukulob. Ito ang ilang mga puntos na kailangang tandaan habang nagluluto ng Australian Lamb:

  • Ilagay ang karne sa room temperature bago magluto para maiwasang manuyo ito.
  • Mas mabilis maluto ang grass-fed na karne - bawasan ng 30% ang tipikal na haba ng pagluto.
  • Hayaan ang steak, chop, at roast ng 5-10 minuto bago hiwain - pinanatili nitong maganda at malinamnam ang karne.

 

 

LAMB BY THE NUMBERS

LAMB BY THE NUMBERS

Sa Australia, ang tupa ay pinapalaki sa magkakaibang klase ng klima - mula sa mga tuyo at hindi gaanong tuyong bahagi ng mga region sa loob ng bansa, hanggang sa maulang lugar gaya ng New South Wales, Victoria, South Australia, at Tasmania. Ang timog-kanlurang bahagi ng Western Australia ay isa ring importanteng rehiyon sa pagpapalaki ng mga tupa.

Nagiiba-iba ang laki ng langkay ng mga tupa sa Australia base sa pagkakaiba-iba ng panahon, presyo ng balahibo ng tupa, at relatibong kita ng ibang mga negosyo. Noong 1970, umabot ng 180 milyon ang langkay ng mga tupa. Ngayon, ito ay tinatayang nasa 74.5 milyon.

MGA PANGALAN NG AUSTRALIAN SHEEP MEAT

MGA PANGALAN NG AUSTRALIAN SHEEP MEAT

ANONG NASA PANGALAN NITO?

  • Lamb at mutton ay ginagamit para sa karne ng tupa na magkakaibang edad.
  • Lamb ay isang hayop na walang permanenteng incisor ng ngipin – karaniwang nasa 12 buwan ang edad.
  • Ang Prime Lamb ay karaniwang ginagamit na term sa Australia para sa mga tupang pinapalaki para sa karne nito.
  • Ang Spring lamb ay ginagamit sa pagtaas ng supply base sa panahon na sumusunod sa traditional breeding cycle: ang mga tupa ay pinanganak noong nakaraang taglamig at binebenta sa susunod na tagsibol sa edad na humigit-kumulang 12 buwan.
  • Ang Mutton ay tupang may at least isang permanenteng incisor na ngipin - kadalasang humigit 12 buwan ang edad at tinatawag na matandang tupa.

Lamb Cuts at Nutrition Chart

I-click ang chart sa baba para mas matuto pa tungkol sa bawat klase ng hiwa ng Australian Lamb.

SUBUKAN ANG AUSSIE LAMB RECIPES NA ITO
Shoulder Max Rack Loin Sirloin Leg (Chump Off) Hind Shank Breast Fore Shank

Breast

Lamb breast and flap

Recipes
PRODUCT GUIDE

PRODUCT GUIDE

Ang gabay na ito ay inihanda para sa mga mamimili ng karne, mga butchers, may ari ng restawran, mga chef na gustong madagdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa paggamit ng Australian Lamb upang mapalawak ang kanilang negosyo. Itong gabay na ito ay may impormasyon kung paano pinalaki, inalagaan, kaligatasan, pa-kain, traceability, pagpapanatili at ibat-ibang uri ng putol, packaging, pag-order, at iba pang dagdag kalaman tungkol sa Australan Lamb.

DOWNLOAD HERE

Kumuha ng dagdag na impormasyon

MATUTO PA TUNGKOL SA PAGGAWA