ABOUT AUSTRALIAN GOAT
Bagaman maliit na tagagawa ang Australia, kami ang pinakamalaking exporter ng karne ng kambing. Ang kambing ang isa sa pinakamadalas kaining klase ng karne sa mundo. Malaking bahagi ito ng pagkain ng iba't-ibang bansa at kultura mula noon pa, mga ilang libong taon na ang nakakaraan.
KAMBING
Ang demand sa karne ng kambing ay mas tumataas habang ang iba't-ibang tradisyonal na mga mamimili nito ay lumilipat na sa ibang bansa at ang mga hindi naman tradisyonal na mga mamimili ay mas lumalakas ang loob sa kanilang pagkain at mas madali silang nakakahanap ng karne ng kambing. Maraming dahilan kung bakit kambing ang gustong protina ng maraming pamilya. Mababa ito sa taba at itinuturing na masustansyang alternatibo ng marami. Ito rin ang karne na hindi ipinagbabawal ng karamihan ng mga relihiyon. Dagdag pa rito, magandang pinagmumulan ng protina, iron, zinc, at vitamin B12 ang karne ng kambing.
PAGLUTO NG AUSTRALIAN GOAT
Mukha lang exotic na pagkain ang karne ng kambing, pero pwede itong ihain gaya ng tupa. Walang masyadong pagkakaiba ang kambing at tupa — halimbawa, ang paa at iba pa nitong hiwa, sirloin, loin, rack, shoulder at diced goatmeat ay gaya rin ng kaparehas na tupa. Ang farmed goatmeat ay madaling lutuin at ito rin ay malambot, malinamnam, at may banayad na lasa. Depende sa hiwa, pwede itong ihanda sa pamamagitan ng pag-ihaw, pag-litson, paggisa, pagprito, pagpakulo, at iba pa.
Bagaman ang karne ng kambing ang pinakamadalas na kaining karne sa buong mundo, kailangan mong pumunta sa isang supermarket o specialty retailer na nagbebenta nito sa karamihan ng bansa. Ang mga ethnic store o specialist butchers ay posible ring may ganitong karne o pwede kang magpa-order nito sa kanila.
Talaan ng Hiwa ng Kambing
I-click ang chart sa baba para mas matuto pa tungkol sa bawat klase ng hiwa ng Australian Goat.
SUBUKAN ANG AUSSIE GOAT RECIPES NA ITOGABAY PANG-PRODUKTO
Ang gabay pang-produkto na ito ay ginawa para sa mamimili, mga magkakarne, restaurateurs at chefs na gustong matuto pa tungkol sa pag-order at paggamit ng Australian goat para mas pabutihin ang negosyo nila. Binibigay ng gabay na ito ang impormasyon tungkol sa kung paano pinapalaki ang Australian goat, kaligtasan, pagpapakain, traceability, sustainability, mga hiwa, packaging, ordering at iba pang impormasyon.
MAG-DOWNLOAD DITO