ABOUT AUSTRALIAN BEEF

Ang industriya ng lkarne ng baka sa Australia ay may mahabang kasaysayan ng paggawa ng ligtas at dekalidad na karne para sa mga mamimili sa buong mundo.

Maraming dahilan kung bakit kilala ang Australian beef sa buong mundo, mula sa mabusising pamantayan na nagdulot ng isa sa pinakamataas na estadong pangkalusugan ng mga hayop sa mundo hanggang sa malawakang traceability program ng Australia.

Dahil sa higit 70 posibleng hiwa ng beef, ito ang may pinakamaraming gamit sa lahat ng mga mapagkukunan ng protina. Ang Australian beef ay may iba't-ibang klase ng texture, tenderness, flavor profile, at eating quality characteristics kaya ito ang pinakamagandang opsyon pagdating sa beef. Kasama sa aming mga produkto ang high-quality grassfed, grainfed, organic at breed-specific beef products kagaya ng Wagyu at Angus.

 

 

GRASSFED BEEF

GRASSFED BEEF

Karamihan ng mga baka sa Australia ay pinalaki sa pastulan. Ang grassfed beef ay kadalasang nagiiba-iba pagdating sa flavor, texture at tenderness dahil sa pagkakaiba ng cattle breeds, kalidad at klase ng pastulan, kalagayan ng lupa, topograpiya at klima.

Karaniwan, ang grassfed beef ay sinasabing may robust, earthy flavor at napakagandang texture. Nagiiba-iba ang kulay ng taba ng grassfed beef, pero madalas ito ay madilaw o creamy kumpara sa grainfed beef. Dahil ito sa carotene, isang kulay na nakikita sa mga halaman. May ilang breed rin na mas madilaw ang taba. Ang tinatawag na 'marbling' sa grassfed beef ay nagkakaiba rin depende sa ilang bagay gaya ng breed at quality ng feed.

Habang tumataas ang demand para sa natural at wholesome na pagkain sa buong mundo, nakikita ang Australian grassfed beef bilang isa sa importanteng bahagi ng healthy diet. Pinapalaki lang ang Australian grassfed beef sa pastulan kaya natural itong mababa sa fat at cholesterol, habang nagbibigay ng mataas na level ng Omega 3 fatty acids. Sinasabing nakakapagpababa ito ng blood pressure at pinabababa ang posibilidad ng ilang klase ng cancer. Dahil dito, mas maraming mga mamimili ang naghahanap ng lean grassfed meat.

 

 

GRAINFED BEEF

GRAINFED BEEF

Ang grainfed beef ay mula sa bakang pinakain ng nutritionally balanced, high energy finished rations sa loob ng minimum na bilang ng araw. Ang sistemang ito ay nagdudulot ng produkto na may mas pare-parehong quality at marbling na nagbibigay ng dagdag na tenderness, juiciness at flavor. Ang grainfed beef mula Australia ay kadalasang nagbibigay ng mas consistent na kulay ng taba at karne. Ang tipikal na sistema ng pagpakain sa Australia ay: short fed (100 hanggang 150 araw), medium fed (150 hanggang 200 araw) at long fed (200+ na araw). Ang Australian grainfed beef ay kinikilala ng karamihan ng export markets bilang isa sa pinakamagandang klase ng grainfed beef sa mundo.

PAGLUTO NG AUSTRALIAN BEEF

PAGLUTO NG AUSTRALIAN BEEF

Hindi pare-pareho ang lahat ng beef. At hindi rin pare-pareho ang pagluto nito! Natural na mas walang taba ang grassfed beef, at dahil dito, 30% mas mabilis itong maluto gamit ang karamihan ng paraan ng pagluto. Kung sanay kang magluto ng karaniwang klase ng beef, gumamit ng meat thermometer para i-check ang doneness level ng iyong Aussie grass-fed beef at asahan ang mas mabilis na resulta.

Pumili ng cut na pinakabagay sa recipe at paraan mo ng pagluto! Ilagay muna ang beef sa room temperature bago ito lutuin at iwasan itong manuyo. Para manatiling maganda at malinamnam ang mga steak, chop, at roast, hayaan muna ito ng 5-10 minuto bago hiwain.

MARBLING

MARBLING

Ang marbling ay ang pinakahuling tabang napunta sa katawan, kaya ito ang pinakaunang klase ng taba na ginagamit ng hayop para mag-ipon ng lakas. Kaya para masiguradong mas maganda ang marbling sa red meat, ang baka ay kinakailangang bigyan ng masustansya at mataas sa energy na diet—grass o grain man. Magdadala ng magkakaibang resulta ang iba't-ibang farming methods.

Maaari ring maapektuhan ng genetics ang marbling. May ilang breed gaya ng Wagyu na kilala sa kanilang napakagandang katangian sa pag-marble. May positibong epekto ang marbling sa eating quality dahil nakakadagdag ito sa juiciness at flavor ng karne. Ang marble score ay bahagi ng AUS-MEAT beef quality grading system. Tinutukoy nito ang nakikitang taba sa gitna ng muscle fibre bundles at ina-assess sa loob ng ribeye muscle.

Ang marbling score ay sinusuri ng qualified grader ng AUS-MEAT habang binibigyan ng grade ang katawan ng hayop gamit ang score mula 0 hanggang 9. Maliban sa dami, ang distribution at texture ng nakikitang mga batik ng taba sa loob ng ribeye ay kasama rin sa pag-score ng marbling.

WAGYU

WAGYU

Ibang level ng beef ang Wagyu. Ang Wagyu beef ay kilala sa buong mundo sa melt-in-your-mouth texture nito, pati na rin sa quality ng flavor at tenderness nito.

Ang Wagyu ay breed ng baka na mula sa Japan na may matinding marbling dahil sa genetics nito. Walang makakatalo sa breed na ito pagdating sa marbling at sa kakayahan nitong pagandahin ang meat quality sa pamamagitan ng pag-cross-breed. Ang pinakakilalang Wagyu ay mula sa rehiyon ng Kobe. Ang Wagyu ay nagdadala ng mas masarap na flavor dahil sa mas malambot nitong taba, mataas na dami ng healthy unsaturated fat, mas pinong meat texture, at mas mataas na ribeye yield. Hindi lang matindi ang marbling nito, pati na rin ang experience ng pagkain nito.

Mahahati sa dalawang malawak na bahagi ang paggawa ng Wagyu sa Australia: ang paggawa ng straight-bred Wagyu para sa tinatawag na seedstock o feeder at slaughter cattle, o ang paggamit ng Wagyu sa pag-cross-breed para makagawa ng feeder at slaughter cattle.

Makakakuha ka ng mga pinakamapiling mamimili dahil sa mataas na market value ng Wagyu.

 

Mga Hiwa ng Australian Beef at Talangguhit Pang-nutrisyon

I-click ang chart sa baba para mas matuto pa tungkol sa bawat klase ng hiwa ng karne.

SUBUKAN ANG AUSSIE BEEF RECIPES NA ITO
Cheek Ribs Prep Strip Loin Top Sirloin Top Round Ox Tail Bottom Round Tri-Tip Tenderloin Hanger Skirt Flank Rib Eye Brisket Clod Chuck Shin
GABAY PANG-PRODUKTO

GABAY PANG-PRODUKTO

Balak mo mang mag-ihaw ng skirt steak na ibinabad sa exotic spices o magluto ng sirloin sa kawali, matutuwa kang bumili ka ng masustansya, malasa, at sustainable Australian grassfed beef.

 

MAG-DOWNLOAD DITO

Kumuha ng dagdag na impormasyon

MATUTO PA TUNGKOL SA PRODUKSYON