MATUTO TUNGKOL SA SUSTAINABILITY SA AUSTRALIAN RED MEAT INDUSTRY

Para sa mga tagagawa ng mga produktong beef, lamb at goat sa Australia, nasa puso ng aming gawain ang pag-aalaga sa mga hayop at sa kapaligiran. Dahil karamihan sa aming mga alagang hayop ay pinapalaki sa pastulan at natural na mga damuhan, napakaimportante ng pag-aalaga sa lupa. Ang pag-aalagang ito ay umaabot rin mula sa pastulan hanggang sa mga kabahayan ng mga mamimili, kung saan ilang henerasyon ng mga magsasaka sa Australia ay patuloy na naghahanap ng paraan para mabawasan ang epekto sa mundo ng bawat bahagi ng aming mga proseso.

Para sa Australian red meat industry, ang ibig sabihin ng pagiging sustainable ay ang pag-aalaga sa mga hayop, sa lupa at sa kapaligiran, pagbibigay sa mga lokal na komunidad at sa pagsigurong ang pag-aalaga sa mga hayop ay magkakaroon ng sapat na kita at may positibong epekto sa lipunan. Ang mga sheep at cattle producer sa Australia ay kilala sa buong mundo sa kanilang animal husbandry at farm management techniques. Ipinagmamalaki namin ang aming pangunguna sa teknolohiya at progresibo kami sa mga importanteng area ng sustainability - environmental, animal welfare, economic at social. Kasama sa aming focus sa environmental sustainability ang mga importanteng area kagaya ng emissions reduction, paggamit ng tubig at land management. Importante ang mga ito hindi lang para sa kapaligiran, kundi na rin sa paggawa ng beef at lamb na masustansiya at high quality.

KAPALIGIRAN

KAPALIGIRAN

Ang mga cattle at sheep farmer sa Australia ay seryoso sa sustainable na paraan ng paggawa beef at lamb. Bilang mga tagapagbantay ng halos kalahati ng lupa ng Australia, sinisikap naming iwanang mas maganda ang lupa, tubig, at mga halaman para sa mga susunod na henerasyon.

Sa pamamagitan ng industry levies, ang mga cattle at sheep farmer ay nag-i-invest ng higit $13 million taon-taon sa research, development at extension projects para patuloy na mabawasan ang epekto ng aming industriya sa kapaligiran. Araw-araw, ang mga magsasaka sa Australia ay gumagawa ng mga simpleng bagay para mas mapabuti ang kanilang environmental sustainability, sa pamamagitan man ng pag-install ng solar panels, pagbabakod sa mga dam para mas madagdagan ang biodiversity, o sa paggamit ng iba't-ibang strategy para mapabuti ang kalusugan ng lupa at groundcover. Ang kabuhayan ng mga magsasaka ay nakadepende sa malusog na kapaligiran at naiintindihan ito ng mga magsasaka sa Australia. Para matuto pa, mag-click dito.

KAPAKANAN NG MGA HAYOP

KAPAKANAN NG MGA HAYOP

Ang sustainability ay hindi lang tungkol sa kapaligiran, tungkol din ito sa mabuting kapakanan ng mga hayop. Legal requirement sa Australia ang mabuting kapakanan ng mga hayop, at magdudulot ng kasong kriminal ang pagiging malupit sa mga ito. Sa pagpapalaki, pag-papalahi, paghahatid at pagkakatay ng mga hayop, napakaimportante para sa mga magsasaka sa Australia ang kabutihan at kalusugan ng mga hayop. Kaya maraming pananaliksik, development, innovation at effort ang napupunta sa pagpapanatili ng mataas na pamantayan nga kapakanan ng mga hayop sa kabuuan ng supply chain.

Basahin sa baba para mas matuto pa tungkol sa welfare sa paghahatid, sa farm, sa feedlots at sa processing sector.

 

Aussie cattle producers commit to become carbon neutral by 2030

Nagtayo ng bagong pamantayan ng sustainability ang Australian beef industry

Sa kalagitnaan ng debate tungkol sa epekto sa kapaligiran ng beef production, kumikilos na ang Australia - kung saan ang red meat industry ng bansa ay nagpahayag kamakailan lang tungkol sa plano nitong maging carbon neutral pagdating ng 2030.

Nais mo pa ng karagdagang impormasyon tungkol sa Sustainability?

Dagdag Kaalaman