OVERVIEW NG PAGHAHANDA NG KARNE AT FOOD SAFETY

Ang safety, quality at integrity ng red meat ay napakaimportante sa Australian red meat at livestock industry. Nagpatupad ng mga striktong proseso at pamamaraan para masiguro ang integrity ng beef, lamb, sheepmeat at goatmeat para sa mga mamimili at mga customer. Nasa baba ang overview ng parehong on-farm at off-farm safety systems sa Australian red meat industry.

PROCESSING

PROCESSING

Seryosong bagay ang mga processing facility. Bawat planta sa Australia ay nag-o-operate sa ilalim ng mga batas ng Federal government na hinihingi ang registration at mga detalyadong food safety plan. Ang humane treatment sa mga baka at tupa sa pagkatay ay napakaimportante, pati na rin ang focus sa pagpapanatili ng quality at safety sa kabuuan nito. Ang mga katayan sa Australia ay gumagamit ng mga pinakabagong teknolohiya para masiguro ang patuloy na pagpapabuti ng proseso ng paggawa nang hindi isinasakripisyo ang mataas na kalidad ng meat safety. Bagaman nagkakaiba sa design (depende sa pagkakaiba-iba ng mga market na binibigyan nila ng serbisyo at mga klase ng hayop na pina-process nila), bawat isa dito ay gumagamit ng pinakabagong teknolohiya para masigurado ang efficiency, safety at reliability. Nangunguna sa mundo ang Australian meat processing sector pagdating sa dressing at fabrication ng beef at lamb.

MARBLING

MARBLING

Ang iba pang paghahandang pinagdadaanan ng karne para makain ay ang marbling at aging. Pagdating sa pagpapataas ng marbling sa beef - ang pagpaparami ng batik ng taba na lumalabas sa muscles ng red meat— kinakailangang may highly nutritious diet ang baka – grass man ito o grain. Magkakaroon rin ng magkakaibang resulta ang iba't-ibang klase ng farming methods. Sa Australia, sinusukat ang marble scores mula 0 - 9+.

AGING

AGING

Sa aging process, ang mga protina na nagbibigay ng form at functionality sa mga kalamnan ay nagsisimulang sirain ng enzymes na naiwan sa katawan pagkatapos ng pagkatay. Ang tinatawag na wet aging ng karne ay tumutukoy sa kabuuang proseso ng storage na nangyayari kapag hinati-hati o tinanggalan ng buto ang katawan sa pag-package at pag-store ng karne. Mas pinapaganda nito ang pagiging tender ng karne, pero hindi nito masyadong naaapektuhan ang lasa ng karne. Samantala, ang dry aging naman ay tipikal na ginagawa sa pamamagitan ng pagsabit ng buo o parte ng karne sa isang malamig na kwarto. Ang sikreto sa dry aged meat ay ang pagbawas ng moisture nito. Madalas ay 7-14 days ang prosesong ito pero maaaring umabot ng isang buwan o mas mahaba pa.

Halal

Ang Australian Beef at Lamb ay natural na ipinastol sa lupaing biniyayaan ng magandang sikat ng araw at malusog na mga pastulan. Masarap at tender ang karne nito na may consistent na texture. Idagdag mo pa ang isa sa pinakamahigpit na quality standard sa mundo at may Halal Assurance program na batayan ng industriya, makikita mo kung bakit ang Aussie Beef & Lamb ang unang pinipili ng ilan sa pinakamagagaling na mga chef sa mundo.

HINDI LANG TUNGKOL SA PROSESO NG PAGKATAY ANG HALAL

HINDI LANG TUNGKOL SA PROSESO NG PAGKATAY ANG HALAL

Kadalasang iniisip ng iba na ang salitang ‘Halal’ ay tumutukoy lang sa mga kondisyon na dapat sundin sa pagkatay ng hayop at pagproseso ng karne nito. Pero mas malawak pa ang ibig sabihin nito.

Alam niyo bang ang batas na pangrelihiyon ay nagsasabi rin kung paano dapat tratuhin ang hayop habang buhay pa ito? Binibigyang diin nito ang pagbabawal sa pag-aabuso at pagmamaltrato sa mga hayop. Halimbawa, hindi dapat minaltrato o sinaktan ang hayop. Dagdag pa rito, dapat itong bigyan ng malinis na tubig, pagkain, preskong hangin, at malawak na lugar na pwedeng galawan.

Kapag bumili ka ng Halal Australian Beef and Lamb, may tiwala kang bumibili ka ng malinis, safe, at garantisadong 100% Halal meat.

NUTRITION

NUTRITION

BEEF

Pagdating sa pagpili ng source ng healthy protein, ang lean Australian beef ay masarap at healthy choice para dagdagan ang mga pangangailangan mo ng protein. Dahil karamihan ng mga baka sa Australia ay pinalalaki sa pastulan, ang mga produktong Australian grass-fed beef ay lean at natural na may 13 essential nutrients na kinakailangan para sa good health, kagaya ng Iron, Zinc, Omega-3 at B vitamins.

LAMB

Pagdating sa pagpili ng source ng healthy protein, ang lean Australian Lamb ay masarap at healthy choice para dagdagan ang mga pangangailangan mo ng protein. Dahil karamihan ng mga tupa sa Australia ay pinalalaki sa pastulan, ang mga produktong Australian grass-fed lamb ay lean at natural na may 13 essential nutrients na kinakailangan para sa good health, kagaya ng Iron, Zinc, Omega-3 at B vitamins.