OVERVIEW NG QUALITY ASSURANCE
Ang mga taong may gusto ng Australian beef, sheep meat o goat meat ay tiwala na safe, ethically-produced at high quality ito. Dahil sa tiwalang ito, ang mga Australian livestock producer ay tiwala rin sa binbebenta nila. Ginagawa nila ang lahat para mapanatili ang tiwala ng mga mamimili sa Australian red meat. Ang sistema ng food safety measures, quality assurance at traceability mula sa pastulan hanggang sa mga kabahayan ng mga mamimili ay nagbibigay ng garantiya sa integridad ng red meat industry ng Australia na nagkakahalaga ng $22.9 bilyon.
MGA PROGRAMA SA KATIYAKAN NG KALIDAD
Ang estadong pangkalusugan ng mga hayop ng Australia ay isa sa pinakamataas sa mundo. Kami ay nangunguna sa buong mundo sa pamamagitan ng pagpapatibay ng mga batas na mamahala sa pagpapastol at pagpapakain sa aming mga hayop, at nagpatupad rin kami ng disease surveillance programs alinsunod sa international standards para patunayan ang aming mga batas. Patuloy na binabantayan ng Australian government at red meat industry ang iba't-ibang mga programa na ginawa para panatilihin ang aming pangunguna sa animal health. Ang tatlong elemento ng red meat integrity system na pag-aari ng industriya ay ang:
National Livestock Identification System (NLIS)
Livestock Production Assurance program (LPA)
National Vendor Declaration (LPA NVD)
Dagdag pa sa mga sistemang ito ang off-farm food safety initiatives, na kapag pinagsama ay bumubuo ng kultura ng responsibilidad kung saan kabahagi ang lahat ng Australian livestock owners: kinikilala at tinatanggap nila ang papel at reputasyon nila bilang supplier ng safe, ethically-produced at high-quality na pagkain.
NLIS
Ang National Livestock Identification System (NLIS) ay ang sistema ng Australia para kilalanin at i-trace ang mga baka para sa biosecurity, food safety, product integrity at market access. Ang NLIS ay nakabase sa tinatawag na ‘whole of life’ electronic tag na nilalagay sa bawat baka. Gumagamit ito ng radio frequency technology at pinapayagang ma-record ng tagagawa o tagaproseso ang bawat transaksyon. Nililipat ang impormasyon sa central database para ma-trace ang baka mula sa farm hanggang sa katayan para mabilis itong mangyari—isang bagay kung saan naiiba ang NLIS sa ibang traceability systems sa buong mundo.
LPA
Dagdag pa rito, ang Livestock Product Assurance (LPA) program ay ginawa para i-certify ang food safety at quality assurance standards. Random na ino-audit ang mga tagagawa para masigurado ang pagsunod nila sa LPA food safety standards.
NFAS
Ang National Feedlot Accreditation Scheme (NFAS) ay isang mandatory QA integrity system para sa Australian feedlots na gumagawa ng grainfed beef para sa domestic market ng Australia at pati sa lahat ng export markets. Sa ilalim ng NFAS, ang paggalaw ng baka mula sa farm hanggang sa feedlot ay dapat nire-record sa NLIS database. Dagdag pa rito, ang health at production controls ng grainfed cattle ay pinapatupad sa pamamagitan ng mga pag-check sa feed at water safety, mahigpit na regulasyon sa veterinary treatments at mga inspeksyon para sa pesticide o mga bakas ng mga metal.
ANO ANG MEAT STANDARDS AUSTRALIA?
Hindi madaling makakuha ng consistent at high-quality supply. Ang MSA ay isang independent na meat grading system na ginawa para tulungan kang pumili ng quality beef at lamb. Dinevelop ang MSA system ng 100,000 mamimili na natikman at ni-rate ang 700,000 beef at lamb samples. Tinulungan nila kaming alamin ang mga importanteng bagay mula sa farm hanggang sa kabahayan ng mga mamimili na parating naghahatid ng tender, tasty cuts. Ang MSA program ay nagbibigay ng quality na mapagkakatiwalaan mo kapag bumili at nagluto ka ng Australian beef at lamb. Hanapin ang simbolo para makilala ang cuts ng beef at lamb na parating tender, juicy at flavorsome.
PAANO NAIIBA ANG MSA?
Dinevelop ang MSA mula sa panlasa ng mga mamimili. Nagsimula kami sa kung ano ang gusto ng mga mamimili pagdating sa pagkain ng red meat, at inalam ang mga katangian na nakakatulong sa kung ano ang gusto ng panlasa nila. Pagkatapos ng higit 100,000 consumer taste tests, inalam namin ang mga natatanging mga bagay na nakakadagdag sa quality ng pagkain.
Nalaman namin na may at least 16 na magkakaibang dahilan sa likod nito kagaya ng breed, paggamit ng growth hormones (HGP), pH, edad, at oo, pati ang marbling...kahit na 20% lang ang nadadagdag nito sa eating quality score. Ang bawat dahilan ay may epekto sa pagiging tender, juicy, sa flavor at kabuuang pagkagusto nila dito. Lahat ng nasa supply chain ay may magagawa para mas pagbutihin ang resulta sa bawat stage, mula sa pastulan hanggang sa kabahayan ng mga mamimili. Ang MSA grades ay nakakonekta sa bawat cut, kung kaya't sa halip na iisang grade para sa isang buong katawan ng hayop, may grade ang bawat parte base sa cut at sa paraan ng pagluto nito.
PAANO ITO NAKAKATULONG SA MGA IMPORTER?
Nababawasan sila ng iisipin kapag alam nilang pwedeng maghatid ng grass-fed beef na pinagkakatiwalaan nila. Kapag bumili sila ng cut ng Australian grass-fed beef na may eating quality grade, alam nila na ang cut na ito ay makakain ng ayon sa quality na pinili nila. May mga pag-aaral na nagpapakita na ang MSA ay mas eksaktong paraan para malaman ang tinatawag na eating quality kumpara sa mas lumang mga sistema kagaya ng prime/select/choice model ng USDA.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa MSA, mag-click dito.