OVERVIEW NG SA FARM

Ang mga nagpapalaki ng baka at tupa ay kilala sa buong mundo sa kanilang animal husbandry at farm management techniques. Ipinagmamalaki ng Australian livestock industry kung paano namin ginagamit ang genetics na nangunguna sa technological advancements sa livestock production efficiency. Ang mga magsasaka rin sa Australia ay progressive sa mga bagay gaya ng farm at pasture improvement at water management. Ang aming industriya ay karaniwang binubuo ng mga producer na pag-aari ng mga pamilya na nais maghatid ng world-class beef at lamb, habang naka-focus sa highest possible food safety standards, na may traceability at quality assurance systems sa supply chain.

AUSTRALIAN BEEF

AUSTRALIAN BEEF

Ang Australia ang gumagawa ng 3% ng beef sa mundo at pangatlong pinakamalaking beef exporter sa mundo. Habang ang karne ng baka ay mula sa bawat estado at teritoryo sa Australia, halos 50% ng national herd ay nasa Queensland, kung saan karamihan ng baka ng Australia ay makikita sa pasture-based properties at stations.

Ang Australian beef industry ay nakagrupo sa northern at southern production areas. Ang Northern production systems ay may medyo maliit na dami ng malalaking properties na may maraming baka. Kadalasan, ang mga breed ng baka dito ay Bos Indicus (hal Brahman) o Bos Indicus cross (hal Droughtmaster), na mas bagay sa malupit na kondisyon sa kapaligiran. Ang Southern production system naman ay maraming maliliit na properties na may kaunting mga baka. Kadalasan, ang mga breed ng baka dito ay Bos Taurus (hal Angus o Hereford), na mas bagay sa mas katamtamang kondisyon sa kapaligiran.

BOS INDICUS

BOS INDICUS

Ang lahi na Bos Indicus ay mula sa Asya na bagay sa mainit at tropical regions gaya ng Northern Australia. Tinataboy ang garapata at iba pang peste ng kanilang madulas at maikling balahibo at kemikal na galing sa pawis nila. May ilang lahi ng Bos Indicus na gumagawa ng kemikal sa buntot nila para maglagay sa sarili nila ng pang-alis ng insekto kapag hinahampas nila ang mga langaw.

Ang bakang Bos Indicus ay kadalasang malaki at may mahabang mga binti, na nakakatulong na malibot nila ang paligid nila at maghanap ng pagkain at tubig. Natural din silang nag-iikot para manguha ng pagkain kaya bagay sila sa tagtuyot.

Makikilala ang bakang may lahing Bos Indicus sa bukol sa balikat sa likod nito kagaya ng camel. Dito nilalagay ang taba para sa panahong taghirap. May malaki rin itong tenga at lawlaw na balat sa harap ng brisket na nakakatulong na palamigin ang katawan nito.

Kasama sa mga pangkaraniwang breed ay Brahman, Droughtmaster, Santa Gertrudis, Brangus (cross ng Angus at Brahman) at Braford (cross ng Hereford at Brahman).

BOS TAURUS

BOS TAURUS

Mula Europe ang bakang Bos Taurus na madalas tinatawag na ‘British breeds’. Mas gusto nila ang mas katamtamang klima at madalas nakikita sa mga katimugang rehiyon ng Australia. Mas makapal ang balahibo nila para sa taglamig at walang kapansin-pansing bukol na makikita sa mga kamag-anak nilang Bos Indicus.

Mas maliit sila at mas mabilis silang gumulang at magkaroon ng kalamnan kumpara sa mga pinsan nilang Bos Indicus. Masasabing ang pinakakilalang lahi ng Bos Taurus ay ang Angus na mula sa Scotland. Highly adaptable ang Angus at may quality genetics ito kaya madalas itong ginagamit para palakasin ang ibang lahi sa pamamagitan ng crossbreeding.

Kasama sa mga pangkaraniwang lahi ay Angus, Hereford, Shorthorn, Charolais, Simmental at Murray Grey.

WAGYU

WAGYU

Ang Wagyu ay Japanese na lahi ng baka na mula sa native Asian cattle – ang ibig sabihin ng ‘Wa’ ay Japanese at ang ‘gyu’ naman ay baka. Bagaman galing Asya ito, ito ay nauuri bilang Bos Taurus.

Daan-daang taon nang ginagamit ang Wagyu sa Japan bilang masisipag na mga hayop na pinipili dahil sa katatagan ng katawan ng mga ito – ang napakaraming tabang nahahanap sa kalamnan nila ay nagbibigay ng lakas na madaling makuha.

Ngayon, ang Australia ang may pinakamalaking kawan ng Wagyu sa labas ng Japan, bagaman 80-90% nito ay ine-export. Tipikal na pinapalaki ang wagyu sa pastulan at maraming oras ang ginugugol nito sa high tech feedlots – mula isang taon hanggang 600 araw; dahil dito mas mahaba ang proseso ng paggawa ng wagyu kaysa grass-fed o grain-fed beef.

Walang katulad ang Wagyu pagdating sa marbling nito, na nagbibigay ng tender at juicy beef na mayaman sa texture at flavor. Kadalasan ay mas malambot ang taba ng Wagyu at may mas pinong meat texture kaysa ibang beef.

 

AUSTRALIAN LAMB

AUSTRALIAN LAMB

Ang Australia ang pinakamalaking exporter ng karne ng tupa sa mundo at pangalawang pinakamalaking tagagawa ng lamb at mutton.

Sa Australia, ang tupa ay pinapalaki sa magkakaibang klase ng klima - mula sa mga tuyo at hindi gaanong tuyong bahagi ng mga region sa loob ng bansa, hanggang sa mauulang bahagi gaya ng New South Wales, Victoria, South Australia, Tasmania, at ang timog-kanlurang bahagi ng Western Australia.

Lahat ng tupa sa Australia ay pinapalaki sa pastulan, at malaking bahagi nito ay tinatapos rin sa lugar na ito. May napakaliit na bahagi ng sheep farmers (mga 5%) ang gumagamit ng grain finish para sa tupa para mas gumanda ang paglaki nito.

AUSTRALIAN GOAT

AUSTRALIAN GOAT

Sa Australia, ang pagpapalaki ng kambing ay maaaring hatiin sa dalawang kategorya – rangeland at farmed.

Ang rangeland ay tumutukoy sa mga ligaw na hayop na madalas ay kinakatay taon-taon, habang ang farmed naman ay mga hayop na may partikular na paraan ng pagpapalaki kagaya ng mga tupa at baka sa Australia. Ang rangeland goats (kilala rin bilang unmanaged, bush o wild goats) ay magkakahalong breed ng kambing na nasanay sa rangelands ng Australia na tuyo at may kakaunting ulan. Nitong mga nakaraang mga taon, dumarami ang mga tagagawang nagpapalaki ng mga kambing sa malalawak na rangeland environments at pinamamahalaan ang mga ito bilang matatag na bahagi ng negosyo nila kasama ang mga tupa at baka. Ang rangeland goat ay malaking pinagkukunan ng produkto ng Australian goat meat industry.

Ang farmed goats ay karaniwang pinapalaki sa mga lugar sa Australia kung saan mas madalas umulan at malakas ang agrikultura. Dahil sa kapaligiran at sa mas maliit na kawan, sumasailalim sila sa mas maigting na husbandry practices kaysa sa rangeland goats at pinamamahalaan gaya ng mga tupa at baka.

Noon, ang farmed goatmeat ay by-product ng fiber industry, pero mas nakilala ito noong dinala ang South African Boer breed sa Australia noong 1994. Sila ay matatag kung kaya't napalaki sila para makonsumo ang karne nila. Pinalaki sa South Africa mula pa noong 1900s, ang Boer goats ay pinili dahil sa quality ng karne nila at hindi dahil sa gatas o balahibo. Dahil sa mas focused na pagpapalaki nito, mabilis dumami at lumaki ang Boer goats kaya isa sila sa pinakasikat na breed ng kambing para sa karne nito. Na-cross-breed din ang Boer goats sa lokal na mga kawan sa Australia na naghatid ng mga kambing na bagay sa tuyong kapaligiran ng Australia at may mas malamang karne.

Salamat sa cross-breeding, hindi na lang napapanahong kalakal ang Australian goat at ngayon ay magagamit na halos buong taon.

AUSTRALIAN VEAL

AUSTRALIAN VEAL

Ang mga tradisyon sa pagpapalaki at pagkatay ng baka ay magkakaiba sa bawat bansa. Ang karne ng baka ay iba kumpara sa Europe at America.

Sa Australia, hindi kami gumagawa ng ‘white veal’, na mula sa 18 - 20 weeks’ old na mga baka na binibigyan lang ng gatas at hindi gaanong naglilibot at naaarawan. May striktong animal welfare practices sa Australia na sinisiguradong pinapalaki ang mga hayop sa maliliit na grupo sa labasan at pinapakain ng gatas at damo o grain.

Kumuha ng dagdag na impormasyon

DAGDAG KAALAMAN TUNGKOL SA MGA PROTINA