OVERVIEW NG FEEDLOTS, PROCESSING AT VALUE-ADDING

Humigit 200 taon ang pagbuo ng Australian red meat industry. Ang mga pundasyong binuo noon pa ay nakatulong sa amin para magbago tungo sa isang dynamic at progresibong organisasyon gaya ng kung ano kami ngayon. Nakatulong rin ang tiwalang nakuha ng aming mga magsasaka at processors, pati na rin ang aming malinis na kapaligiran, para magkaroon ang Australia ng reputasyon bilang tagagawa ng ilan sa dekalidad na karne ng baka, tupa, at kambing na mayroon ngayon. Ang Australian red meat ay siguradong produkto ng kapaligiran nito.

AUSTRALIAN FEEDLOTS

AUSTRALIAN FEEDLOTS

Sa Australia, 85-90% ng buhay ng grainfed cattle ay nasa pastulan, at mga 2-3% ng baka sa Australia ay nasa feedlots. Ang cattle feedlot ay isang managed facility kung saan binibigyan ang mga baka ng balanced at nutritious diet para makagawa ng beef na may consistent quality at quantity. Halos buong buhay ng grainfed cattle ay nasa pastulan bago dalhin sa feedlots para sa ‘finishing’ para maabot ang partikular na pangangailangan sa timbang. Depende sa pangangailangan ng customer ang haba ng panahon na gugugulin ng baka sa feedlot. May mga 450 accredited feedlots sa buong Australia, kung saan karamihan ay nasa lugar na malapit sa cattle at grain supplies. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Australian feedlot industry, bisitahin ang www.feedlots.com.au

PROCESSING

PROCESSING

Nag-o-operate ang mga processing facility sa Australia sa ilalim ng mga striktong batas ng Federal Government. Importante ang makataong pag-alaga sa mga baka at tupa sa proseso ng pagkatay sa may katayan, pati na rin ang pagpapanatili ng quality at safety sa kabuuan nito.

Ang Australian meat processing sector ay nangunguna sa mundo pagdating sa dressing at fabrication ng beef at lamb. Ang mga katayan sa Australia ay gumagamit ng pinakabagong mga tekonolohiya para masigurado ang patuloy na pagpapabuti ng proseso ng paggawa nang hindi isinasakripisyo ang mataas na kalidad ng meat safety.

Bagaman nagkakaiba sa design (depende sa pagkakaiba-iba ng mga market na binibigyan nila ng serbisyo at mga klase ng hayop na pina-process nila), bawat isa dito ay gumagamit ng pinakabagong teknolohiya para masigurado ang efficiency, safety at reliability.

 

 

PAGDAGDAG NG HALAGA

PAGDAGDAG NG HALAGA

Ang Australian red meat industry ay nakatuon sa pagdagdag ng halaga para sa mga customer nito sa kabuuan ng supply chain, kahit na mahirap masabi kung saan nagtatapos ang pag-process at nagsisimula ang pagdagdag ng halaga. Para sa mga taga-Australia, nagsisimula ang pagdagdag ng halaga kapag nagkaroon ng malaking pagbabago sa katangian ng red meat. Ang pagdagdag ng halaga ay maaaring mangyari sa iba't-ibang paraan, kagaya ng:

  • Paghahanda ng mga produktong retail-ready kagaya ng mignon, diced meat, sausage, patty, kebab, atbp
  • Pagdadagdag ng mga sangkap sa hilaw na karne kagaya ng bread crumbs (schnitzels), gulay (stir fry), seasoning o spices
  • Pag-process ng hilaw na karne hanggang maging mas maliliit na mga produkto (hal. corned silverside, pastrami)
  • Paghahanda ng mga frozen na pagkain na oven-ready (hal. partikular na para sa pag-init sa microwave)
  • Pagluluto ng produkto bago ibenta (hal. pre-cooked roasts, heat-and-eat meals)
  • Pag-package ng karne para magkaroon ng mas mahabang shelf life (hal. modified atmosphere packaging)

Sa huli, ang pagdagdag ng value ay tungkol sa paghahatid ng espesyal na bagay para sa aming mga customer. Ang Australian beef at lamb na dinagdagan ng value ay isang magandang pandagdag sa anumang menu o cuisine.

 

Kumuha ng dagdag na impormasyon

DAGDAG KAALAMAN TUNGKOL SA MGA PROTINA