Website Patakaran sa Cookies
COOKIES POLICY NG MLA
Ang website na ito ay pag-aari at pinangangasiwaan ng Meat & Livestock Limited ABN 39 081 678 364 (“MLA”, “kami”, “namin’).
Gumagamit ang website na ito ng mga cookies, mga maliliit na mga text files (kadalasa’y may kasamang natatanging pantukoy o identifier), na ipinapadala sa iyong mga browser mula sa aming website na inilalagak sa hard drive ng iyong computer, tablet o mobile device. Karamihan ng mga website ay gumagamit ng cookies --- “session cookie” sa mabilisang paggamit o “persistent cookie” kapag madalas ang pagbisita sa website. Dahil sa mga cookies na ito “maaalala” ka ng website at lalo nitong mapagbubuti at mapapabilis ang iyong paggamit ng website.
Maaari mong burahin o i-delete ang mga cookies sa pamamagitan ng pagbago ng iyong mga privacy preferences sa browser ng internet. Maaari ring tanggihan ang mga cookies. Bagamat karamihan sa mga web browser ay agaran ang pagtanggap ng mga cookies, maaari mong palitan ito sa iyong web browser settings para tanggihan ang mga cookies. Tandaan na ang ilang bahagi ng website ay hindi tatakbo kapag pinili mong tanggihan ang mga ito.
Ano itong Cookies Policy na ito?
Itinatakda sa Cookies Policy na ito ang paggamit ng cookies ng website, mga karagdagang serbisyo at mga third party. Ang patakaran sa paggamit ng cookies ay kailangan basahin kasama ng Privacy Policy at EU Privacy Notice na makikita sa https://www.trueaussiebeefandlamb.ph/privacy Nakalatag dito ang mga maaaring gawin sa mga impormasyon tulad ng mga personal na impormasyon at datos na makokolekta sa paggamit ng cookies.
Ano ba ang mga cookies?
Ang cookies ay mga unique identifiers o mga natatanging pantukoy na kadalasan ay binubuo ng mga maliliit na text o code. Ito ay kadalasan na inilalagak o stored sa iyong mga device o sa iyong web browser. Ang mga cookies na ito ay kakalap ng mga datos na ipapadala pabalik sa nangangasiwa ng website. Sinasaklaw ng tinutukoy na cookies dito ang iba pang teknolohiya tulad ng web beacons, clear gifs, pixels at iba pa. Tatawaging first-party cookies ang mga cookies ng MLA at third-party cookies naman ang galing sa iba.
Anong uri ng cookies ang ginagamit sa Website?
May apat na mga pangunahing cookies na ginagamit ng aming Website. Ito ang mga sumusunod:
- Operationally Necessary Cookies
Ito ay mga cookies na kinakailangan para tumakbo ang site. Halimbawa, mga cookies na nagbibigay pahintulot para magamit ang mga secure area ng website o para magamit ang shopping cart. Sa madaling salita, ang mga cookies na ito ang ginagamit sa pag-browse.
- Performance Cookies
Iniipon nito ang mga datos kaugnay ng paggamit ng website. Minomonitor nito ang performance o takbo ng Website. Halimbawa, batay sa mga performance cookies, makikita kung aling mga pahina o pages ang pinaka-popular, masusubaybayan din nito ang trapiko sa Website, at magkakalap din ito ng mga anonymous analytic information. Ang mga performance cookies ang ginagamit para matukoy at masolusyunan ang mga operational na problema ng Website.
- Functionality Cookies
Ang mga cookies na ito ang ginagamit para maalala ang iyong mga hinahanap at pangangailangan. Halimbawa, maaaring gamitin ng functionality cookies ang mga impormasyon tulad ng iyong lokasyon para sa bersyon ng Website na nakatuon sa ispesipikong lungsod o rehiyon na iyong kinaroroonan.
- Advertising Cookies
Pinahihintulutan ang mga third-party na magpadala ng mga advertisement sa aming Website, sa mga third-party website at mga application. Gumagamit sila ng mga cookies upang matukoy ang iyong interes nang sa gayon, ang mga advertisement na ipapadala sa iyo ay nakabatay dito. Halimbawa, kakalapin ng third-party cookies ang nilalaman o content na madalas mong tingnan sa aming Website.
Hindi namin sakop ang nilalaman ng mga advertisment ng third-party advertising cookies. Sila ang namamahala batay sa kanilang mga patakaran sa mga impormasyong nakakalap ng kanilang mga cookies. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa third-party cookies, bisitahin o tingnan ang website ng third-party o baguhin ang settings ng iyong browser.
Maaari mong tanggihan ang mga third-party advertising cookies subalit makakatanggap ka pa rin ng iba pang online advertisement.
Paano ginagamit ang mga cookies?
Tulad ng natalakay sa itaas, ang mga cookies ay ginagamit upang mamonitor at mapabilis ang paggamit ng mga application at website. Ang pagkalap ng impormasyon ay makakatulong sa pagsuri ng takbo ng website, sa pagtukoy iyong interes, sa pag-alala ng mga tiningnan na mga website at sa pagpapadala ng mga advertisement na maaaring makatulong sa gumagamit.
Paano ko pa maiiwasan ang mga cookies?
Maaaring iwasan ang ilang mga cookies sa pamamagitan ng pagpili kung aling cookies ang pahihintulutan sa browser settings o direktang pagtanggi sa mga inaalok na cookies. Tingnan ang iyong browser settings para sa karagdagang impormasyon. May karapatan kang tanggapin o tanggihan ang mga cookies. Sa unang pagkakataon mong bumisita sa aming Website, may makikita kang “Cookies banner” kung saan maaari kang mamili.
May mga cookies ba sa mga email?
May cookies sa aming email na magbibigay ng impormasyon kung nabuksan na ang email at kung alin sa mga link sa email ang iyong tiningnan. Magkakaiba ang cookies na ginagamit namin sa bawat email. At hindi rin ito mamamalagi sa iyong computer o mobile device.
Paano kung may mga tanong ako?
Ang Meat & Livestock Australia ay nakarehistro sa Australia. Ang address ng aming punong tanggapan ay sa Level 1, 40 Mount Street, North Sydney, NSW Australia 2060. Kung mayroon kang mga tanong matapos basahin ang Cookies Policy, maaari kang makipag-ugnayan sa amin sa mga contact details na makikita sa https://www.trueaussiebeefandlamb.ph/contact-us/.
Huling nirebisa noong 1/5/2019