Website Patakaran sa Pagkapribado
PRIVACY POLICY NG MLA (PHILIPPINES)
Unang Bahagi – Para sa mga indibidwal sa Australia o sa labas ng EU
1. Panimula
Inirerespeto ng Meat & Livestock Australia Limited ABN 39 081 678 364 (MLA) ang privacy ng mga indibidwal. Inilalatag ng policy na ito kung paano kinokolekta at pinapangalagaan ng MLA ang mga personal na impormasyon (bukod sa mga impormasyong prinoseso ng MLA na may kaugnayan sa mga gawain nito sa European Union (EU) o kung hindi man ay may kaugnayan sa mga indibidwal na nasa loob ng EU na tinugunan sa EU Privacy Notice ng MLA (sa ibaba)). Inilalarawan ng policy na ito kung paano kinokolekta, pinapangalagaan, ginagamit at inihahayag ng MLA ang mga personal na impormasyon.
Kung ikaw ay nasa labas ng EU at hindi nakikipag-ugnayan sa alinmang opisina ng MLA sa EU, sa pamamagitan ng pagpunta sa website ng MLA o sa pagbibigay sa MLA ng iyong mga personal na impormasyon, pinahihintulutan mo ang pagkolekta, pagtago, paggamit at paghahayag ng iyong mga personal na impormasyon tulad ng itinatakda sa policy na ito.
2. Uri ng mga kinolektang personal na impormasyon
Ang mga personal na impormasyon na kinokolekta at pinapangalagaan ng MLA ay nakabatay sa kalikasan ng iyong pakikipag-ugnayan sa amin, ngunit sa pangkalahatan ay kabilang dito ang iyong pangalan, mga contact details (tulad ng numero ng telepono, tirahan at email address) at pangkalahatang impormasyon tungkol sa iyong livestock at pagpapatakbo ng negosyo. Maaaring kasama rin dito ang mga detalye ng credit card kung bumibili ng produkto, detalye ng iyong frequent flyer, detalye ng travel insurance, mga dietary requirement o mga impormasyon mula sa iyong résumé kung hiningi namin ang mga detalye na ito para sa isang event o kaya’y sa pagsagot sa aplikasyon sa trabaho. Karaniwang natutukoy sa oras ng pagkolekta ng iyong mga personal na impormasyon ang mga detalye na kailangan namin upang mapadali ang iyong pakikipag-ugnayan sa MLA.
Maaari kang makipag-ugnayan sa MLA nang hindi nagpapakilala (halimbawa, sa anonymous na paraan o kaya’y sa pamamagitan ng paggamit ng pseudonym) sa ilang pagkakataon, tulad kung magtatanong tungkol sa MLA o sa mga programa ito. Kung nais mangyari ito, mangyaring makipag-ugnayan lamang sa amin upang malaman kung naaangkop ito sa iyong kalagayan.
3. Metodo ng pagkalap ng mga personal na impormasyon
Sa pangkalahatan, kinokolekta lamang ng MLA ang mga personal na impormasyon kung ikaw ang kusang ang nagbigay nito, personal man o kaya’y sa telepono, sa sulat o email, sa pamamagitan ng website ng MLA o kaya’y sa pagsagot sa mga online forms o hard copy nito. Gayunpaman, may mga pagkakataon na kinokolekta ng MLA ang iyong mga personal na impormasyon mula sa ibang tao, katulad ng isang third party na tumutulong sa amin sa mga membership drive o kaya’y sa magkatuwang na pagsasagawa ng mga programa at event kasama ang ibang Research and Development Corporations o mga konsultant (kung naaangkop).
Awtomatiko ring nakokolekta ng MLA ang ilang impormasyon sa pagbisita mo sa website ng MLA. Kabilang sa mga impormasyon na ito ang uri ng iyong browser, server address, uri ng operating system, ang iyong IP address, kung paano at kailan ginamit ang website ng MLA at ibang pinuntahang website. Ginagamit ng MLA ang mga impormasyon na ito sa anonymous na paraan at hindi ito ginagamit upang personal kang matukoy maliban kung kinakailangan ng batas.
Hindi mo kinakailangang ibigay ang iyong mga personal na impormasyon sa MLA, ngunit kung hindi mo maibibigay ang mga hinihinging impormasyon, maaaring hindi mapapangasiwaan ng MLA ang iyong membership o maibibigay ang mga produkto at serbisyo nito.
4. Mga layunin sa paghawak at paggamit ng mga personal na impormasyon
Ginagamit ng MLA ang mga impormasyon na kinokolekta nito sa mga itinakdang layunin ng paggamit nito sa MLA, upang maisagawa ang layuning pangnegosyo ng MLA (na may pangkalahatang detalye sa website ng MLA sa www.mla.com.au), maisakatuparan ang mga legal na obligasyon nito, iba pang kaugnay na layunin o kung pinahihintulutan o kinakailangan ng batas. Kung hihingiin ng MLA ang mga personal na impormasyon, ihahayag ng MLA ang pangkalahatang layunin ng paggamit nito at kung kanino ito maaaring ipaalám, at ang mga kahihinatnan, kung mayroon man, sa hindi pagbibigay ng impormasyon. Kabilang sa pangkalahatang layunin ng MLA ang mga sumusunod (kung naaangkop):
(a) pagbibigay ng mga produkto at serbisyo na iyong hinihingi at pagtugon sa iyong mga katanungan;
(b) pangangasiwa sa mga programa ng MLA at pakikitungo sa mga stakeholder;
(c) pagbibigay-alam sa mga miyembro, levy payer at mahahalagang miyembro ng publiko tungkol sa negosyo ng MLA, ang mga produkto at serbisyo nito at mga isyung may kaugnayan sa industriya ng red meat at livestock;
(d) pagsasagawa ng mga ispesipikong proyekto na pinili mong salihan;
(e) pangangasiwa ng mga kompetisyon;
(f) pangangasiwa ng mga event;
(g) pagsama sa iyong detalye sa mga database na maaaring gamitin ng publiko sa website ng MLA;
(h) pangangasiwa sa iyong membership sa MLA at pagrebyu ng iyong Levies Notice kaugnay ng annual general meeting ng MLA;
(i) pagpapadala ng mga marketing material na sa tingin ng MLA ay kapaki-pakinabang (kung pumayag kang mapadalhan nito.) Kung inabisuhan ang MLA na hindi nais mapadalhan ng mga naturang impormasyon, hindi magpapadala ang MLA ng mga ito. Hindi ito naaangkop sa mga impormasyon na kinakailangan naming ipadala ayon sa batas; at
(j) pagsunod sa mga pangangailangang legal.
5. Paghahayag ng mga personal na impormasyon
Sa pangkalahatan, kumukuha muna ang MLA ng pahintulot bago nito ihayag ang anumang personal na impormasyon maliban sa itinakda sa policy na ito. Ang naturang pahintulot ay maaaring direktang ipinahayag o di kaya’y ipinahiwatig ng kilos.
Ang ilan sa mga impormasyon na ibinigay mo sa amin ay ilalathala sa mga dokumento o mga database na madaling ma-access ng publiko o kaya’y maaaring ibigay sa publiko kung hihingiin ito. Kabilang dito ang mga impormasyon na nasa rehistro ng mga miyembro at impormasyon tungkol sa karapatan sa pagboto (hango sa levies notices). Isa pang halimbawa ay kung kasama ka sa pang-angkat ng karne, maaaring isama ng MLA ang iyong personal na impormasyon (tulad ng mga contact details) na nasa MLA's Australian Red Meat Exporter Database, na makikita sa website ng MLA.
Depende sa produkto o serbisyo, ang iyong personal na impormasyon ay maaaring ibigay sa:
(a) mga kaugnay na entidad ng MLA, internasyonal na opisina at kinatawan para lamang sa mga itinakdang gawain ng MLA;
(b) mga eksternal na service provider (sa kompidensyal na paraan at ang mga naturang service provider ay limitado lamang sa paggamit ng mga impormasyon sa mga itinakdang gawain ng MLA). Sa partikular, ang database ng mga miyembro ng MLA ay nasa server sa pangangalaga ng third party na may kontraktuwal na obligasyon ng pagtitiwala;
(c) mga specialist adviser ng MLA na nagbibigay sa MLA ng legal, administratibo, pinansiyal, insurance, research, marketing o iba pang serbisyo; at
(d) sinumang awtorisado, hayag o di-hayag, kung ang mga personal na impormasyon ay ibinigay sa MLA o kinolekta ng MLA.
Maaari ring ilathala ng MLA ang mga disclosure practices kaugnay ng ilang produkto o serbisyo nito.
Ang ilan sa mga kaugnay na entidad, internasyonal na opisina at kinatawan na maaaring pagbigyan ng iyong mga personal na impormasyon ay nasa labas ng bansa, tulad ng United States, Japan, Korea, Europe, China, Indonesia, Russia, Philippines, India, Malaysia at Vietnam.
6. Seguridad ng mga personal na impormasyon
Isinasagawa ng MLA ang mga hakbang upang protektahan ang mga personal na impormasyon na pinapangalagaan nito laban sa maling paggamit, pagkawala at panghihimasok at sa mga di-awtorisadong pag-access, pagbabago o pagsisiwalat nito.
Itatago namin ang mga personal na impormasyon sa loob lamang ng maikling panahon batay sa itinakdang paggamit nito o sa mas mahabang panahon kung pahihintulutan o itatakda ng batas. Sa sandaling matapos ang itinakdang panahon, sisirain o permanenteng tatanggalin ng MLA ang mga personal na impormasyon na hawak nito kung hindi na ito kailangan ng MLA batay sa itinakdang paggamit nito at pinahihintulutan ng batas na gawin ito.
7. Mga sensitibong impormasyon
Sa pangkalahatan ay hindi kinokolekta ng MLA ang anumang sensitibong impormasyon (kabilang ang mga impormasyong may kinalaman sa lahi o etnikong pinagmulan, pagiging miyembro sa mga politikal na grupo, relihiyon o mga unyon ng manggagawa, mga kagustuhan at gawaing sekswal, rekord ng krimen, estado ng kalusugan o kasaysayang medikal). Kokolektahin lamang ng MLA ang mga sensitibong impormasyon kung kinakailangan ng batas o kung may pahintulot nito. Kung hawak ng MLA ang anumang sensitibong impormasyon, ang mga naturang impormasyon ay gagamitin lamang at ihahayag ng MLA batay sa mga itinakdang layunin ng paggamit nito.
Kung hihingiin ng MLA ang mga sensitibong impormasyon, ipapaliwanag ng MLA ang mga dahilan para rito.
8. Pag-access sa mga personal na impormasyon
Maaaring hilingin ng isang tao ang access sa mga personal na impormasyon na hawak ng MLA tungkol sa kanya sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa MLA sa mga contact details sa ibaba. Aasikasuhin ng MLA ang kahilingan sa loob ng takdang panahon at maaaring mangailangan ng bayad sa pagbibigay ng access para sa gastusin sa pag-verify ng aplikasyon at pagkuha sa mga hinihinging impormasyon. Kung hindi pagbibigyan ng MLA ang kahilingan, magbibigay ito ng karampatang paliwanag.
Hangga’t pinahihintulutan ng mga naaangkop na batas sa proteksyon ng datos sa iyong bansa, sa aming website, at sa iyo, maaari kang magkaroon ng karapatan sa:
(a) Pag-access. May karapatang kang humingi ng kopya ng mga personal na impormasyon na pinoproseso namin tungkol sa iyo na ibabalik namin sa iyo sa anyong elektroniko. Para sa iyong privacy at seguridad, batay sa aming mabuting pagpapasiya, maaaring kailanganin mong patunayan ang iyong identidad bago namin ibigay ang mga hinihinging impormasyon. Kung mangangailangan ng maraming kopya ng iyong personal na datos, maaari kaming maningil ng administration fee.
(b) Pagwawasto. May karapatan kang iwasto ang mga di-kumpleto o di-wastong personal na impormasyon na aming pinoproseso tungkol sa iyo. Tandaan na maaari mong gawin ang mga pagwawasto sa ilang personal na impormasyon direkta sa iyong online account.
(c) Pagtanggal ng mga impormasyon. May karapatan kang hilingin na tanggalin ang mga personal na impormasyon na aming pinoproseso tungkol sa iyo, maliban lamang kung kailangan naming panatilihin ang mga naturang datos bilang pagsunod sa legal na obligasyon o kaya’y upang maisakatuparan o kaya’y ipaglaban ang isang legal na paghahabol.
(d) Paghihigpit. May karapatan kang paghigpitan ang pagproseso namin ng iyong mga personal na impormasyon kung naniniwala kang ang naturang datos ay hindi tama, kung ang aming pagproseso ay labag sa batas, o kung hindi na kailangan pang iproseso ang naturang datos para sa isang partikular na layunin, ngunit kung kinakailangang panatilihin ang mga naturang datos, ito’y dahil sa legal at ibang obligasyon o kaya’y dahil hindi mo pa nais na matanggal ang mga ito.
(e) Portability. May karapatan kang makuha ang mga personal na impormasyon na hawak namin tungkol sa iyo nang nakaayos at nasa elektronikong format, at maipadala ang naturang datos sa iba pang data controller kung ang mga ito ay (a) personal na impormasyong ibinigay mo sa amin, at (b) kung pinoproseso namin ang mga naturang datos batay sa iyong pahintulot (tulad para sa direct marketing communications) o kaya’y upang magsagawa ng kontrata sa iyo.
(f) Pagtutol. Kung ang legal na dahilan ng aming pagproseso ng iyong mga personal na impormasyon ay aming lehitimong interes, may karapatan kang tutulan ang naturang pagproseso batay sa iyong partikular na sitwasyon. Susundin namin ang iyong kahilingan maliban kung mayroon kaming lehitimong batayan upang iproseso ito na maaaring sumalansang sa iyong interes at karapatan, o kung kailangan naming magpatuloy sa pagproseso ng datos upang maisakatuparan ang isang legal na paghahabol.
(g) Pagbawi ng pahintulot. Kung pinahintulutan mo kami sa pagproseso ng iyong mga personal na impormasyon, may karapatan kang bawiin ang iyong pahintulot anumang oras, nang walang bayad, gayundin kung hindi mo na nais pang makatanggap ng mga marketing message mula sa amin.
Maaari kang magtanong kung alinman man sa mga nabanggit na mga karapatan ay naangkop sa iyo o humiling mula sa MLA sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga nakalistang contact details sa ibaba.
9. Pagwawasto ng mga personal na impormasyon
Isasagawa ng MLA ang mga hakbang upang masigurong ang mga personal na impormasyon na hawak nito ay tama, kumpleto at bago.
Kaagad na ipaalám sa MLA kung may mga pagbabago sa alinmang personal na impormasyon ng indibidwal sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa MLA gamit ang mga contact details sa ibaba. Maaaring hilingin ng sinuman anumang oras na iwasto ng MLA ang hawak nitong mga personal na impormasyon tungkol sa kanya. Sa kahilingan, isasagawa ng MLA ang mga hakbang upang maiwasto ang mga impormasyon nang sa gayon ay maging tama, kumpleto at bago ito, o kung hindi man ay magbibigay ito ng karampatang paliwanag.
10. Paano maghain ng reklamo
Kung nais maghain ng reklamo tungkol sa paglabag sa policy na ito o sa Privacy Principles ng Australia na itinakda sa Privacy Act 1988 (Cth), maaaring makipag-ugnayan sa MLA gamit ang mga contact details sa ibaba. Kailangan mong magbigay ng sapat na detalye kaugnay ng iyong reklamo at anumang pantulong na ebidensya at impormasyon.
Isasangguni ng MLA ang iyong reklamo sa Privacy Officer nito na susuri sa isyu at tutukoy sa mga hakbang na isasagawa ng MLA upang lutasin ang iyong reklamo. Makikipag-ugnayan ang MLA sa iyo kung kakailanganin nito ng mga karagdagang impormasyon mula sa iyo at magpapadala ng sulat upang ipaalám ang resulta ng imbestigasyon. Kung hindi ka nasiyahan sa pagpapasiya ng MLA, maaaring makipag-ugnayan sa MLA upang mapag-usapan ang iyong isyu o makipag-ugnayan sa Privacy Commissioner ng Australia sa www.oaic.gov.au o sa privacy regulator sa iyong bansa.
11. Mga pagbabago sa policy na ito
Maaaring rebisahin, amiyendahan, at baguhin ng MLA ang policy na ito paminsan-minsan, at ang binagong policy ay ilalathala sa website ng MLA. Balik-balikan lamang ang website ng MLA para sa mga pagbabago sa policy na ito. Ang iyong patuloy na paggamit sa website ng MLA at mga serbisyo nito at pagbibigay ng mga karagdagang personal na impormasyon sa MLA sa sandaling binago ang policy ay nangangahulugan ng iyong pagtanggap sa binagong policy.
12. Makipag-ugnayan sa MLA
Kung mayroon kang mga tanong o isyu sa policy na ito o sa privacy practices ng MLA, mangyaring makipag-ugnayan sa Privacy Officer ng MLA at tumawag sa +61 02 9463 9333 o magpadala ng email sa privacy@mla.com.au. Ang punong tanggapan ng MLA ay matatagpuan sa Level 1, 40 Mount Street, North Sydney NSW 2060 at ang postal address ng MLA ay PO Box 1961, North Sydney NSW 2059.
Ikalawang Bahagi – Privacy Notice ng EU
1. Panimula
Magagamit ang privacy notice na ito sa pagproseso ng mga personal na datos, kung ang naturang pagproseso ay napapailalim sa mga batas sa proteksyon ng datos ng Europe kabilang ang General Data Protection Regulation (GDPR) ng European Union (EU).
Napakahalaga sa amin ang proteksyon at paggalang sa iyong privacy. Kung ikaw ay isang indibidwal sa EU o kaya’y nakikipag-ugnayan sa isang opisina ng MLA sa EU, inilalatag ng privacy notice na ito kung paano namin kinokolekta at pinoproseso ang iyong mga personal na datos at ang aming legal na batayan sa pagsasagawa nito. Sang-ayon sa naaangkop na batas para sa proteksyon ng datos, kasama na ang GDPR, ang data controller ay Meat & Livestock Australia Ltd, The Vineyards Business Centre, 36 Gloucester Avenue, Camden Town, London, NW1 7BB, United Kingdom (MLA).
2. Uri ng mga kinolektang personal na datos
Ang mga personal na datos na kinokolekta at pinapangalagaan ng MLA ay nakabatay sa kalikasan ng iyong pakikipag-ugnayan sa amin, ngunit sa pangkalahatan ay kabilang dito ang iyong pangalan, mga contact details (tulad ng numero ng telepono, tirahan, at email address) at pangkalahatang impormasyon tungkol sa iyong livestock at pagpapatakbo ng negosyo. Maaaring kasama rin dito ang mga detalye ng credit card kung bumibili ng produkto, detalye ng iyong frequent flyer, detalye ng travel insurance, mga dietary requirement o mga impormasyon mula sa iyong résumé kung hiningi namin ang mga detalye na ito para sa isang event o kaya’y sa pagsagot sa aplikasyon sa trabaho. Karaniwang natutukoy sa oras ng pagkolekta ng iyong mga personal na impormasyon ang mga detalye na kailangan namin upang mapadali ang iyong pakikipag-ugnayan sa MLA.
Maaari kang makipag-ugnayan sa MLA nang hindi nagpapakilala (halimbawa, sa anonymous na paraan o kaya’y sa pamamagitan ng paggamit ng pseudonym) sa ilang pagkakataon, tulad kung magtatanong tungkol sa MLA o sa mga programa ito. Kung nais mangyari ito, mangyaring makipag-ugnayan lamang sa amin upang malaman kung naaangkop ito sa iyong kalagayan.
3. Metodo ng pagkalap ng mga personal na datos
Sa pangkalahatan, kinokolekta lamang ng MLA ang mga personal na datos kung ikaw ang kusang ang nagbigay nito, personal man o kaya’y sa telepono, sa sulat o email, sa pamamagitan ng website ng MLA o kaya’y sa pagsagot sa mga online forms o hard copy nito. Gayunpaman, may mga pagkakataon na kinokolekta ng MLA ang iyong mga personal na impormasyon mula sa ibang tao, katulad ng isang third party na tumutulong sa amin sa mga membership drive o kaya’y sa magkatuwang na pagsasagawa ng mga programa at event kasama ang iba pang grupo.
Awtomatiko ring nakokolekta ng MLA ang ilang impormasyon sa pagbisita mo sa website ng MLA. Kabilang sa mga impormasyon na ito ang uri ng iyong browser, server address, uri ng operating system, ang iyong IP address, kung paano at kailan ginamit ang website ng MLA at ibang pinuntahang website. Ginagamit ng MLA ang mga impormasyon na ito sa anonymous na paraan at hindi ito ginagamit upang personal kang matukoy maliban kung kinakailangan ng batas.
Hindi mo kinakailangang ibigay ang iyong mga personal na datos sa MLA, ngunit kung hindi mo maibibigay ang mga hinihinging impormasyon, maaaring hindi mapapangasiwaan ng MLA ang iyong membership o maibibigay ang mga produkto at serbisyo nito.
4. Mga layunin at legal na basehan sa pagproseso ng iyong mga personal na datos
Kung kinokolekta ng MLA ang mga personal na datos, ihahayag ng MLA ang pangkalahatang layunin ng paggamit nito at kung kanino ito maaaring ipaalám, at ang mga kahihinatnan, kung mayroon man, kung hindi ibinigay ang impormasyon. Kabilang ang mga sumusunod sa mga pangunahing layunin at legal na basehan ng MLA sa pagproseso ng iyong mga personal na datos:
(a) pagbibigay ng mga produkto at serbisyo na iyong hinihingi at pagtugon sa iyong mga katanungan. Kailangan naming iproseso ang iyong mga datos sa ganitong paraan upang maisakatuparan ang aming kontraktuwal na obligasyon sa iyo kaugnay ng mga produkto at serbisyo na iyong hinihingi. Kaugnay ng iyong mga katanungan, lehitimong interes namin na gamitin ang iyong mga personal na datos upang tumugon sa iyo;
(b) pangangasiwa sa mga programa ng MLA at pakikitungo sa mga stakeholder;
(c) pagbibigay-alam sa mga miyembro, levy payer at mahahalagang miyembro ng publiko tungkol sa negosyo ng MLA, ang mga produkto at serbisyo nito at mga isyung may kaugnayan sa industriya ng red meat at livestock. Lehitimong interes namin na padalhan ka ng mga update at promotional material tungkol sa mga katulad na produkto at serbisyo ng MLA, hangga’t naaayon ito sa iyong marketing choices;
(d) pagsasagawa ng mga ispesipikong proyekto na pinili mong salihan. Kailangan naming iproseso ang iyong datos sa ganitong paraan upang maisakatuparan namin ang aming kontraktuwal na obligasyon sa iyo kaugnay ng naturang proyekto;
(e) pangangasiwa ng mga kompetisyon. Kailangan naming iproseso ang iyong datos sa ganitong paraan upang maisakatuparan namin ang aming kontraktuwal na obligasyon sa iyo kaugnay ng iyong pagpasok sa kompetisyon;
(f) pangangasiwa ng mga trade show at iba pang event. Kailangan naming iproseso ang iyong mga datos sa ganitong paraan upang maisakatuparan ang aming kontraktuwal na obligasyon sa iyo kaugnay ng iyong partisipasyon sa isang event. Lehitimong interes namin na iproseso ang iyong mga datos upang mairehistro ang iyong pagtanggap at pagdalo sa isang event;
(g) pagsama sa iyong mga detalye sa mga database na maaaring gamitin ng publiko sa website ng MLA; Lehitimong interes ng MLA na mapanatili ang mga naturang database;
(h) pagpapadala ng mga marketing material na sa tingin ng MLA ay kapaki-pakinabang (kung pumayag kang mapadalhan nito.) Kung inabisuhan ang MLA na hindi nais mapadalhan ng mga naturang impormasyon, hindi magpapadala ang MLA ng mga ito. Hindi ito naaangkop sa mga impormasyon na kinakailangan naming ipadala ayon sa batas dahil ang mga naturang impormasyon ay hindi gagamitin para mag-direct marketing. Ipoproseso lamang namin ang iyong mga datos para mag-direct marketing kung nagbigay ka ng pahintulot dito; at
(i) pagsunod sa mga pangangailangang legal. Ipoproseso namin ang iyong impormasyon kung kinakailangan bilang pagsunod sa legal na obligasyon kung saan tayo napapailalim.
5. Paghahayag ng mga personal na datos
Ang ilan sa mga impormasyon na ibinigay mo sa amin ay maaaring ilathala sa mga dokumento o mga database na maaaring gamitin ng publiko o kaya’y maaaring ibigay sa publiko kung hihingiin ito.
Depende sa produkto o serbisyo, maaaring ibigay ang iyong mga personal na datos sa:
(a) mga kaugnay na entidad ng MLA, internasyonal na opisina at kinatawan para lamang sa mga itinakdang gawain ng MLA;
(b) mga eksternal na service provider (sa kompidensyal na paraan at ang mga naturang service provider ay limitado lamang sa paggamit ng mga impormasyon sa mga itinakdang gawain ng MLA);
(c) mga specialist adviser ng MLA na nagbibigay sa MLA ng legal, administratibo, pinansiyal, insurance, research, marketing o iba pang serbisyo; at
(d) sinumang awtorisado, hayag o di-hayag, kung ang mga personal na datos ay ibinigay sa MLA o kinolekta ng MLA.
Maaari ring ilathala ng MLA ang mga disclosure practices kaugnay ng ilang produkto o serbisyo nito.
6. Paglilipat at pagtatago ng mga personal na datos sa labas ng EEA
Ang mga personal na datos na aming kinolekta ay maaaring ilipat, at itago, sa isang lugar sa labas ng European Economic Area (EEA), kabilang ang mga bansa na may ibang pamantayan sa proteksyon ng datos mula sa mga naaangkop sa EEA. Ang mga bansa kung saan maaaring ilipat, at itago, ang iyong mga personal na datos ay ang Australia, United States, Japan, Korea, mga bansa sa Europe na hindi bahagi ng EEA, China, Indonesia, Russia, Philippines, India, Malaysia at Vietnam. Ang iyong mga personal na datos ay maaaring iproseso ng mga kawani sa labas ng EEA na nagtatrabaho sa amin o sa isa sa aming mga supplier na bahagi sa pagproseso ng iyong mga personal na detalye. Isasagawa namin ang lahat ng makatwiran at kinakailangang hakbang upang masiguro ang seguridad ng iyong mga personal na datos sang-ayon sa Privacy Notice na ito at naaangkop na mga batas sa proteksyon ng datos, at hindi maglilipat ng mga personal na datos sa labas ng EEA maliban kung kinakailangan upang maisakatuparan ang isang kontrata sa iyo, o sa iyong interes, o sa iyong pahintulot.
7. Seguridad at pagtatago ng mga personal na datos
Gumagamit ang MLA ng mga angkop na teknikal at organisational na hakbang upang masiguro ang seguridad ng mga personal na datos na hawak nito, kabilang ang proteksyon laban sa di-awtorisado o labag sa batas na pagproseso nito, aksidenteng pagkawala, pagkasira o pagkapinsala.
Isasagawa ng MLA ang mga hakbang upang sirain at hindi matukoy nang personal ang mga datos (nang sa gayon ay hindi ka na makikilala batay sa mga ito) na hawak nito kung hindi na kailangan para sa mga itinakdang gawain ng MLA at sang-ayon sa batas na gawin ito.
8. Mga sensitibong impormasyon
Sa pangkalahatan ay hindi kinokolekta ng MLA ang anumang sensitibong impormasyon (kabilang ang mga impormasyong may kinalaman sa lahi o etnikong pinagmulan, pagiging miyembro sa mga politikal na grupo, relihiyon o mga unyon ng manggagawa, mga kagustuhan at gawaing sekswal, rekord ng krimen, estado ng kalusugan o kasaysayang medikal). Kokolektahin lamang ng MLA ang mga sensitibong impormasyon kung kinakailangan ng batas o kung may pahintulot nito. Kung hawak ng MLA ang anumang sensitibong impormasyon, ang mga naturang impormasyon ay gagamitin lamang at ihahayag ng MLA batay sa mga itinakdang layunin ng paggamit nito.
Kung hihingiin ng MLA ang mga sensitibong impormasyon, ipapaliwanag ng MLA ang mga dahilan para rito.
9. Pag-access sa mga personal na datos
Sa ilalim ng mga naaangkop na batas sa proteksyon ng datos (hangga’t naaangkop sa aming website, at sa iyo), may karapatan ka sa:
(a) Pag-access. May karapatang kang humingi ng kopya ng mga personal na impormasyon na pinoproseso namin tungkol sa iyo na ibabalik namin sa iyo sa anyong elektroniko. Para sa iyong privacy at seguridad, batay sa aming mabuting pagpapasiya, maaaring kailanganin mong patunayan ang iyong identidad bago namin ibigay ang mga hinihinging impormasyon. Kung mangangailangan ng maraming kopya ng iyong personal na datos, maaari kaming maningil ng administration fee.
(b) Pagwawasto. May karapatan kang iwasto ang mga di-kumpleto o di-wastong personal na impormasyon na aming pinoproseso tungkol sa iyo. Tandaan na maaari mong gawin ang mga pagwawasto sa ilang personal na impormasyon direkta sa iyong online account.
(c) Pagtanggal ng mga impormasyon. May karapatan kang hilingin na tanggalin ang mga personal na impormasyon na aming pinoproseso tungkol sa iyo, maliban lamang kung kailangan naming panatilihin ang mga naturang datos bilang pagsunod sa legal na obligasyon o kaya’y upang maisakatuparan o kaya’y ipaglaban ang isang legal na paghahabol.
(d) Paghihigpit. May karapatan kang paghigpitan ang pagproseso namin ng iyong mga personal na impormasyon kung naniniwala kang ang naturang datos ay hindi tama, kung ang aming pagproseso ay labag sa batas, o kung hindi na kailangan pang iproseso ang naturang datos para sa isang partikular na layunin, ngunit kung kinakailangang panatilihin ang mga naturang datos, ito’y dahil sa legal at ibang obligasyon o kaya’y dahil hindi mo pa nais na matanggal ang mga ito.
(e) Portability. May karapatan kang makuha ang mga personal na impormasyon na hawak namin tungkol sa iyo nang nakaayos at nasa elektronikong format, at maipadala ang naturang datos sa iba pang data controller, kung ang mga ito ay (a) personal na impormasyong ibinigay mo sa amin, at (b) kung pinoproseso namin ang mga naturang datos batay sa iyong pahintulot (tulad para sa direct marketing communications) o kaya’y upang magsagawa ng kontrata sa iyo.
(f) Pagtutol. Kung ang legal na dahilan ng aming pagproseso ng iyong mga personal na impormasyon ay aming lehitimong interes, may karapatan kang tutulan ang naturang pagproseso batay sa iyong sitwasyon. Susundin namin ang iyong kahilingan maliban kung mayroon kaming lehitimong batayan upang iproseso ito na maaaring sumalansang sa iyong interes at karapatan, o kung kailangan naming magpatuloy sa pagproseso ng datos upang maisakatuparan ang isang legal na paghahabol.
(g) Pagbawi ng pahintulot. Kung pinahintulutan mo kami sa pagproseso ng iyong mga personal na impormasyon, may karapatan kang bawiin ang iyong pahintulot anumang oras, nang walang bayad, gayundin kung hindi mo na nais pang makatanggap ng mga marketing message mula sa amin.
Maaari mong hingiin ang alinman sa mga ito kaugnay ng iyong mga personal na datos at ipadala ang iyong kahilingan sa pamamagitan ng koreo sa europe@mla.com.au.
10. Paano maghain ng reklamo
May karapatan kang maghain ng reklamo sa lokal na awtoridad para sa proteksyon ng datos kung naniniwala kang hindi kami sumunod sa mga naaangkop na batas para sa proteksyon ng datos. Kung ikaw ay nasa, o kung may kaugnayan ang isyu, sa UK, maaaring makipag-ugnayan sa Opisina ng Information Commissioner sa mga sumusunod:
Telephone: +44 0303 123 1113
Email: casework@ico.org.uk
Website: www.ico.org.uk
Web-form: www.ico.org.uk/concerns/
Address: Water Lane, Wycliffe House, Wilmslow, Cheshire, SK9 5AF
Kung ikaw ay nasa, o kung ang isyu o reklamong nais mong ihain ay nangyari sa labas ng EEA, i-click ito para sa listahan ng mga lokal na awtoridad sa proteksyon ng datos sa ibang mga bansa sa EEA.
11. Mga pagbabago sa policy na ito
Maaaring rebisahin, amiyendahan, at baguhin ng MLA ang policy na ito paminsan-minsan, at ang binagong policy ay ilalathala sa website ng MLA. Balik-balikan lamang ang website ng MLA para sa mga pagbabago sa policy na ito.
12. Makipag-ugnayan sa MLA
Kung mayroon kang mga tanong o isyu tungkol sa policy na ito o sa privacy practices ng MLA, mangyaring makipag-ugnayan sa MLA at tumawag sa +44 207 2849 784 (United Kingdom) o magpadala ng email sa sthasia@mla.com.au
Huling nirebisa noong 1/5/2019